"Marcus, slow down." Mahigpit akong napahawak sa seatbelt. Kita ko ang pagtagis ng panga nito then pressed his lips together. Na para bang pinipigilan niya ang sarili na sumabog sa galit. Imbes makinig sakin ay nanatiling mabilis ang pagmamaneho nito. "Marcus! Bagalan mo ang sasakyan! Kung ayaw mo ay baba na lang ako!" I hissed. Kinakabahan ako. Mukhang wala siyang balak makinig sakin. Mukhang sarado ang isip niya! "Then what? Baba ka? Tapos ano? Babalik ka kay Greg?" Napaamang ako. "Ano 'bang sinasabi mo, Marcus? Sayo na nga ako sumama! Hindi pa ba sapat 'yon?" "Sumama ka kasi gusto ko! Kasi kailangan mo! Tangina, kahit saglit ba ginusto mo na makasama ang katulad ko? Huh?" Ano 'bang sinasabi niya? Siya ang pinili ko kasi sya ang gusto ko makasama! Why can't he see that? "Stop

