Subrang saya ni Abby nang malaman na ipapasyal siya ng ama sa kastilyo ng mga Garcia sa Espanya para daw magkita sila n kaibigan na si Dawn. Sa saya niya ay halos magtatalon-talon siya. Agad siyang sinaway ni Gwendolyn. "Abigail Fariza!" Napanguso na lang si Abby. Madalang lang siyang tawagin ng ina sa tunay niyang pangalan. "Ang Mama talaga, napaka-kill joy! Masaya lang ang tao eh!" "Yes, but hindi ka na bata. You will be seventeen soon. Iyang ginagawa mo is not a how a prim an proper lady should behave!" Mabilis na niyakap at nilambing ni Abby ang ina. "Mama tayo lang naman nandito eh," pangangatwiran pa niya. "I swear I will behave like a prim and proper lady like kapag nasa labas tayo." Napatingin si Gwendolyn sa asawa na lihim na ngumiti. "She has a point." pagtatanggol pa ng

