It was Dawn's last day of community service, kaya nagpasalamat siya. Subalit nang nakita niya ang kaibigang si Ashley na parang wala sa sarili ay halos dumilim ang mukha niya. She loves Ashley so much ever since they were kids. Lagi niya itong kakampi at tagapagtanggol kapag napapalaban siya noon. Si Ashley din ang matuturing na 'Anghel dela guardia' niya dahil lagi siya nito nasasagip sa mga peligro. Ang isa sa hindi niya makalimutan ay ang pagsagip nito sa kanya sa muntik na kamatayan habang naglalakad sila sa highway. Marahil kung hindi sa maagap at mabilis na paghila ni Ashley sa kanya ay nasagasaan na siya ng rumaragasang ten wheeler truck, at siguradong nahimlay na sa ilalim ng lupa. Kaya't mula noon, ipinangako niya sa sarili na aalagaan, sasagipin at poprotektahan ang kaibigan

