"Maaaaa!" Tili na sigaw ni Dawn nang nakitang nawalan ng malay ang kanyang ina. "Baby!" wika ni Hero, at mabilis na sinalo ang asawa sa kanyang kamay. Galit niyang binalingan si Dusk, na blankong katingin lamang sa kanila. "Magdasal ka na walang masamang mangyari sa Mama mo!" galit na wika niya, at aga na binuhat ang asawa ng pangkasal. "Kapag may mangyari sa Mama mo, ako mismo ang lulumpo sayo." Namutla si Dusk sa narinig. Madalang magalit ang kanyang ama subalit 'pag nagalit ito sukdulan. Binalingan ni Owen ang bunsong anak. "Herwen, paki lang, ilayo mo muna ang Kuya Dusk mo. Baka makalimotan ko at mabugbug ko siya!" "I'm sorry... I'm sorry, Pa," Dusk said in a low voice full of guilt, as his eyes looked at his mom. "Baby, please wake up," Owen said in plea. He lay Hera gentl

