Halos pigil hininga silang bumaba ng eroplano. At parehong kinakabahan nang sinabi ni Howell na nasa baba na si Martin at nag-aabang sa kanila sa may tarmac. Nang makababa na sila mula sa eroplano ay nakita nila si Martin na lumabas mula sa isang itim na limousine. Halos takbohin nina Dawn at Abby ang pangitan nila ni Martin sa pag-aakalang makikita na nila ang kaibigang si Ashley subalit nang marating na nila ang kinatatayoan ni Martin ay agad nitong sinabi na hindi niya kasama ang anak. "Ashley is not here. Nasa bahay siya nagpapahinga." "Ganoon po ba..." sabi ni Dawn, at mabilis na nagmano sa kanya. Lihim na napangiti si Martin nang makitang biglang nalungkot sina Abby at Dawn sa nalaman. Nagmano si Abby sa kanya. "Kung gayon kailan ho siya namin pwedeng makita, Ninong?" tanong

