Dawn was sitting on the shore, her chin as resting on her both knees. She loves staring at sunsets and even moonlight. She felt that the heaven is within her reach just by looking at them. Hindi niya alam subalit simula pa nang nagkaisip siya, gustong-gusto niyang nasa tabing-dagat tuwing magtatakip-silim. Nakakaramdam siya ng kakaibang kasiyahan at kapanatagan habang pinagmamasdan niya ang paglubog ng araw. Napatingala siya sa langit at nakaramdam ng pagbigat ng dibdib. Hindi pa rin nawawala ang kanyang pagdaramdam sa ama at kapatid. Nasasaktan pa rin siya. Pinigil niya ang luha na tumulo nang may naramdamang siyang mga yapak na papalapit. "Can we talk?" sabi ng boses na kilala niya. Subalit hindi niya inimik ito. Hindi niya rin tinapunan ng tingin. Galit siya dito. Naramdaman n

