"Are you sure?" pangalawang tanong niya kay Ashley, at gusto niyang makasigurodo. "It's your decision, Ashley. Its your life so if you're sure about it then I will support you." "Salamat sa pag-unawa," naiiyak na sabi ni Ashley na nagpabigat sa kanyang dibdib. "Kung mayroon man dapat mag-unawa sa 'yo, ako iyon. Kapatid ko ang naglagay sa 'yo sa ganyang kalagayan. Tama si Ninang, kalimutan mo na ang demonyong kapatid ko. He's not worth your love and tears. Ang dapat sa kanya ay itapon sa kangkongan. Kung Hindi lang masama ang isumpa ang kapatid ay nasumpa ko na siya. Hindi ko kasi alam kung anong utak at damdamin mayroon siya." "Kung nakinig lang ako sa 'yo sana hindi ko sinapit ito," pimipiyok na boses ni Ashley. "Ang tigas kasi ng ulo ko. Heto tuloy ang napala ko." Naawa siya sa

