Napatingin siya sa may kesami habang ang katawan ay nakalubog sa may bathtub. Napapikit siya at biglang nakaramdam ng subrang kalungkutan. Ilang araw na lang ay patungo na siya sa may Monasteryo upang sundin ang nais ng kanyang ama. Ilang araw na siyang nakikipagkita sa isang Psychiatrist, at sa ilang araw na iyon ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Sabi ng karamhihan, mga sira ulo lang at nababaliw ang nagpapa konsulta sa isang Psychiatrist, subalit pero sa kanyang sitwasyon, ay ay nakatulong ito kahit papaano. Sa ngayon, mas nauunawaan niya kung saan nagmumula ang kanyang galing at pagkabanas sa mundo. Unti-unti na ding nauunawaan ang kanyang sarili. He was thankful na ini-enrolled siya ni Lolo Eddie niya sa 6 sessions ng talk therapy para maayos daw ang daloy ng pag-iisip niya.

