Dahil nga walang pasok, halos ubusin na ni Carlo ang oras niya sa burger shop para maaliw na rin, dahil kung magmumukmok siya sa apartment , mas lalo siyang malulungkot dahil tiyak maaalala lang niya si Dave. Naguguluhan pa rin siya sa mga pangyayari ngunit isa lang ang naging malinaw para sa kanya ngayon, alam niyang nasasaktan at nalulungkot siya dahil sa labis na pangunguliya niya kay Dave. Gusto niya itong makita, muli magkabiriuan at maka-asaran. Pangungulila na ngayon lang niya naramdaman. Pagkauwi, nakikita niya si Timothy nakatayo at naghihintay sa kanya sa labas ng kanyang inuupahang apartment. “Sir Tim anong kailangan mo, kanina ka pa ba, halika pasok tayo sa loob.” Sabi ni Carlo. “Uuwi muna ang saglit sa US, pero babalik ako agad, kasi balak kung ipagpatuloy ang aking pag-aara

