"Kuya Drake!” Masiglang wika nang mga bata nang makita nila si Drake na papalapit sa kanila. Biglang napatingin si Sam sa direksyon kung saan nagtakbuhan ang mga bata. Maging ang Madre at ang caretaker nang mga bata ay napatingin din sa mga mata. Nasa charity house si Samantha nang mga sandaling iyon. Naghatid siya nang mga supplies sa mga bata. Kasama din niya noon si Lee at Simone. Habang nakikipaglaro si Samantha sa mga bata. Binibigyan naman ni Simone nang medical checkup ang iba habang si Lee ang tumutulong sa kanya. Napatayo si Samantha nang makita ang binata. Hindi niya inaasahang pupunta doon si Drake. Nang umalis sila sa Mansion wala doon si Drake dahil maaga itong umalis. Wala naman itong sinabi kung saan siya pupunta. Naisip ni Samantha baka may gagawin ito sa factory. “Anon

