Chapter - 14

1398 Words

"Doctor Simone!" masiglang wika ni Samantha nang makita ang doctor niya na dumating sa mansion nila. Bigla namang napaawang ang labi ni Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga nang makita ang binatang doctor na dumating. Sinabi sa kanya nang lolo niya na magpapacheck-up siya matapos ang nangyari sa factory pero hindi niya inaasahan na darating sa mansion ang Binatang Doctor. Sa pagkakaalam niya wala ito sa bansa. "Energetic yata ang paborito kong pasyente." wika nito saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Nang huminto ang dalaga sa harap nito. Para itong isang batang nakatingala sa kuya niya na naghihintay na purihin nito. Nakita naman ni Drake ang naging pagsalubong nang dalaga sa lalaking dumating. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya sa ngiti nang dalaga. Tuwing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD