"Are you sure about this?” Takang Tanong ni Leandro kay Samantha. Nasa Study sila noon ni Leandro. Sinabi sa kanya ni Samantha na gusto na niyang mag divorce sila ni Drake. Nabigla pa si Leandro sa sinabi ng apo niya maging si Simone at Lee ay nabigla din. Ilang buwan palang naman silang mag-asawa ni Drake at ang kasunduan nila ay isang taon. “May nangyari ba? Bakit biglang nagbago ang isip mo? Akala ko ba---” “Hindi ko gustong pahirapan namin pareho ang sarili namin.” Agaw nang dalaga sa sasabihin nang lolo niya, “Pakiramdam ko kapag nagtagal pa na magkasama kami. Mahihirapan akong bitawan siya.” Anang dalaga saka tumingin sa lolo niya. “I know you are keeping a secret from me.” Dagdag pa nang dalaga. Napatingin naman ang matanda sa dalawang binata. Sa expression palang nang mukha na

