Biglang natigilan si Drake nang marinig ang sinabi nang salesclerk na pumasok. Pakiramdam niya bigla siyang binuhusan nang malamig na tubig sa kinatatayuan niya dahil sa narinig. Ayaw niyang mag-isip nang masama kaya lang biglang pumasok sa isip niya si Samantha. Bigla ding pumasok sa isip niya ang mga sandaling tila takot tumawid nang kalsada ang dalaga.
“Drake.” biglang wika ni Nancy saka hinawakan ang kamay nang binata nang bigla itong umaktong aalis.
“I’m sorry.” Yun lang ang sinabi ni Drake saka tinanggal ang kamay ni Nancy na nakahawak sa kamay niya saka walang pasabing lumabas nang coffee shop. Naiwan namang tigalgal ang dalaga habang nakatingin sa Binatang nagmamadaling lumabas sa coffee shop. Hindi ito nagdalawang isip na sundan si Samantha kahit na panay ang pakiusap niya. Kahit hindi naman sila sigurado kung ito na ang naaksidente hindi nagdalawang isip ang binata para puntahan ito. Napakuyom nang kamao si Nancy nang makitang nagmamadali ang binata.
Nang umalis si Samantha sa harap nang coffee shop matapos na makitang niyakap ni Drake si Nancy. Naglakad siya papunta sa tawiran. Hindi niya balak umuwi kasabay si Drake lalo na at naiinis siya sa Nakita niya. Kaya lang nang nakatayo na siya sa harap nang pedestrian bigla nanginig ang buong katawan niya sa takot. At gaya nang dati, tuwing nasa harap siya nang kalsada o nagtatangkang tumawid. Biglang pumapasok sa isip niya ang imahe nang isang aksidente. Nakikita niya ang duguang lalaki at babae sa driver’s seat habang nakataob ang kotse at sa likod nito ang isang batang puno din nang dugo ang mukha mula sa aksidente. At dahil sa mga Nakita niya bigla siyang natatakot na tumawid. Tumitigas ang mga paa niya at hindi niya maihakbang.
“You can do this Sam.” Wika ni Samantha sa sarili niya habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. Mariin siyang napapikit saka napahinga nang malalim bago nagisipang humakbang ngunit bigla siyang natigilan nang biglang magbago ang kulay ng traffic light. Napabuntong hininga si Samantha at napaatras.
“What are you doing Sam.” Wika nang isip nang dalaga habang nakatingin sa traffic light. Nang muling magbago ang kulay nang traffic light muling sinubukan ni Samantha na tumawid ngunit gaya nang nauna nangingig ang mga paa niya dahil sa takot. Pero kahit ganoon sinubukan pa rin niyang tumawid.
Nakailang attempt si Samantha bago tuluyang kumilos ang mga paa niya para humakba. Kaya lang hindi niya napansin ang pagpalit nang kulay nang traffic light. Isang malakas na busena ang narinig ni Samantha bago siya natigilan sa paghakbang nang nilingon niya ang pinanggagalingan nang bosena saka niya Nakita ang kotseng papalapit sa kanya. Nanlaki ang mat ani Samantha dahil sa labis na gulat. Habang nakatingin sa papalapit na kotse sa kanya. Biglang pumasok sa isip niya aksidentng nangyari sa pamilya niya nang bata pa siya. Parang biglang bumalik sa alaala niya ang nangyaring aksidente. Alaalang nakalimutan niya dahil din sa nangyaring aksidente. Pero bigla nalang itong bumulusok pabalik sa kanya habang nakatingin sa kotse.
Ilang sandali pa isang malakas na tunog ang narinig nang lahat. Isang tunog nang pagsalpog nang isang bagay. Lahat napatingin sa kalsada nang makita ang isang babaeng nakahandusay sa kalsada habang nakatigil ang isang sasakyan na tila nakabangga sa babae. Natuptop nang ilan ang bibig nila nang makita ang duguang babaeng nakahandusay sa kalsada.
Nang makalabas si Drake sa coffee shop. Agad na hinanap nang mga mata niya ang sinabi nang clerk na aksidente. Hanggang sa mahagip nang mga mata niya ang Kumpulan sa may pedestrian. Nang makita niya ang Kumpulan. Biglang kumabog ang dibdib niya sa labis na takot. Hindi mawala sa isip niya na baka may nangyari nang masama kay Samantha lalo na at alam niyang tila hindi ito sanay na tumawid. Trauma ba? Hindi niya alam.
Lumapit siya sa Kumpulan pero dahil sa dami nang taong nandoon hindi niya makita kung sino ang babaeng sinasabi nilang naaksidente. May narinig siyang lalaking nagtanong kung tumawag na ba sila nang ambulansya. May sumagot namang isang babae at sinabing paparating na ang ambulansya at huwag nilang galawin ang babaeng walang malay.
“Excuse me.” Wika ni Drake at pinipilit na dumaan sa Kumpulan para makita kung sino ang babaeng naaksidente pero kahit na anong gawin niya hindi siya makadaan dahil sa naggigitgitan ang mga gustong makiusyuso sa nangyari.
“Sam----” putol na wika ni Drake nang tuluyang makalapit sa kung saan nakahandusay ang babaeng naaksidente. Bigla siyang natigilan nang makita ang babaeng duguan. Ilang sandali siyang nakatingin sa babae.
Ganoon na lamang ang relief niya nang makitang hindi si Samantha ang Nakita niya. Napatingin siya sa paligid. Hindi niya makita si Samantha. Hindi rin niya alam kung anong nangyari sa dalaga. Napaatras siya at lumayo sa Kumpulan para hanapin ang dalaga hangggang sa mahagip nang mata niya ang dalagang pinipilit na makita ang dahilan kung bakit nagkukumpulan ang mga tao. Para itong inosenteng bata na gustong makita ang nasa likod nang Kumpulan pero hindi ito makadaan dahil sa dami nang tao.
Habang nakatingin si Drake sa dalaga hindi niya maiwasang hindi napahinga nang maluwag. Nawala ang takot niya nang makitang hindi si Samantha ang babaeng naaksidente.
“Sam.” Biglang tawag ni Drake sa dalaga. Bigla namang natigilan si Samantha nang marinig ang boses ni Drake. Napatingin si Samantah sa pinanggagalingan nang boses ni Drake, Ganoon na lang nag bigla ng dalaga nang makita si Drake. Ano naman ang ginagawa nito doon? Hindi ba’t kasama nito si Nancy? Nang maisip nang dalaga ang Nakita niya kanina sa loob nang coffee shop bigla siyang naapatras para sana lumayo sa binata kaya lang hindi iyon natuloy nang biglang walang kaabog-abog na lumapit sa kanya si Drake at mabilis siyang niyakap. Napamulagat sa gulat ang dalaga sa gulat dahil sa ginawa ni Drake.
“Huwag mo akong tinatakot. I was worried.” Wika nang binata habang yakap ang dalaga nang mahigpit.
“Tinakot kita? Bakit?” maang na tanong nang dalaga.
“Akala ko may nangyaring masama saiyo. Bakit hindi mo ako hinintay. Nang pumasok ako sa coffee shop wala ka doon. Akala ko ikaw ang naaksidente.” Wika pa nang binata. Taka namang napatingin ang dalaga sa Kumpulan.
Oo, sinubukan niyang tumawid kanina. Just when her legs move para tumawid saka naman biglang nagpalit nang kulay ang traffic light when she was about to step forward saka niya narinig ang bosena nang sasakyan. Nang mapatingin siya sa pinanggagalingan nang bosena pansamantalal siyang natigilan dahil sa takot at asa alaalang pumasok sa isip niya. Nang makita niyang papalapit sa kanya ang sasakyan bigla siyang napaatras sa labis na takot saka napayuko sa gilid nang kalsada. Kahit na anong gawin niya hindi niya kayang tumawid nang kalsada. Kasunod noon, narinig nang dalaga ang malakas na tunog mula sa pagsalpok nang isang bagay.