Natigilan si Drake nang makita sa kusina si Samantha. Ilang araw niyang nagkitang tila malungkot si Samantha at malayo ang iniisip. Gustong-gusto niyang tanungin ang asawa sa kung ano ang iniisip nito kaya lang pinigilan niya ang sarili lalo na nang mapansin na tila hindi pa ito handa na sabihin sa kanya ang problema nito. Kahit na anxious siyang malaman kung ano ang nasa isip nito. Pinigilan niya ang sarili niya. Ayaw niyang biglang lumayo sa kanya si Samantha dahil sa takot lalo na kapag nagpumilit siyang alamin kung anong gumugulo sa isip nito, “Ang bango naman niyang niluluto mo.” Wika ni Drake na nakangiti na pumasok sa kusina. Nang marinig ni Samantha ang boses nang binata bigla siyag natigilan saka napalingon dito. Nang makita niya si Drake napangiti ang dalaga. Simpleng nagtaka an

