"Kumusta na ang lolo mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok ito sa silid nila. Kasalukuyan niyang pinatutulog noon si Sky. Dahil sa inasikaso pa ni Samantha ang lolo nito kaya naman kinailangang siya muna ang magbantay sa batang lalaki. “Okay na siya. Sabi ni Simone. Kailangan lang niyang magpahinga.” Wika pa ni Samantha saka lumapit sa batang si Sky saka hinalikan ito sa noo. “Magpahinga ka na rin.” Wika ni Drake saka tumayo mula sa kama. Sinundan naman nang tingin ni Samantha ang binatang tumayo. “Aalis ka?” tanong ni Samantha sa binata. “Hindi. Magpapahangin lang ako sandali.” Wika ni Drake saka lumapit sa dalaga at hinalikan ito sa noo. “Babalik din ako agad.” Wika pa nang binata. “Drake.” wika nang dalaga at hinawakan ang kamay nang binata para pigilan ito sa paglabas

