Bago bumalik nang bansa Sina Samantha at Drake, sinulit muna nila ang oras na magkasama sila sa kanilang bakasyon. Lalo na at enjoy na enjoy si Sky sa mga pinupuntahan nilang lugar at kasama ang kanyang Dada. Napansin ni Samantha na lalong naging mas malapit sina Drake at Sky sa naging bakasyon nilang iyon. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Pakiramdam ni Samantha bumabawi si Drake sa tatlong taong pagkakahiwalay nila. Ganoon din naman ang gusto niya. Maraming panahon na Nawala sa kanila. Hindi na mahalaga kung wala siyang naalala sa nakaraang ang mahalaga naman ay ang ngayon at bukas. “Good Morning.” Nakangiting wika ni Drake nang pumasok sa silid nila ni Samantha. Napatingin si Samantha sa asawa niya saka napangiti nang makita itong may dalang tray na may pagkain at white roses. N

