"Tinitingnan mo na naman yan? Akala ko tinapon mo na yan?” Takang tanong nang isang lalaki sa dalagang nakaupo sa upuan sa tabi nang bintana nang eroplano. Nakatingin ito sa sa isang maliit na kahon na may lamang isang singsing. Nakatingin siya sa singsing pero wala naman siyang maalala sa kung bakit nasa kanya ang singsing na iyon at kung sino ang nagbigay sa kanya. Sa di malamang dahilan pakiramdam nang dalaga napakahalaga sa kanya nang mga ito. Tuwing nakatingin siya sa singsing nasa maliit na box magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya. Tila ba sang mahalagang bahagi nang pagkatao niya ang nakapaloob sa mga bagay na iyon. Hindi rin niya alam kung kanino galing ang mga bagay na iyon. Ang tanging alam lang niya o nararamdaman niya mahalagang bagay iyon para sa kanya. Kaya lang

