"Bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan. Hindi mo na ba ako nakikilala?” tanong nang lalaki kay Samantha. Nakatingin lang ang dalaga sa lalaking nasa harap niya. Talagang hindi niya makikilala ang lalaki dahil wala na siyang naalala maliban sa tatlong taon nakaraan sa buhay niya. Kung kilala man niya ito noon. Maaring hindi naging Maganda ang relasyon nila dahil hindi ito kikilos nang ganoon kung naging Mabuti ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. “Ano ba yan!” asik nang lalaki sa lalaking nasa likod nang kotse. Hindi pa ri nito mailabas si Sky sa kotse dahil panay ang sigaw nang batang lalaki at panay din ang pagmumumiglas at ayaw magpahawak. Dahil sa pagsigay nang lalaki. Napatingin naman si Samantha. “I’ll take care of him.” Wika ni Samantha at lumapit sa lalaki at sinilip ang anak. “

