Kasalukuyang nasa roofdeek ng El Fuego Building si Samantha. Nakatingala siya sa azul sa kalangitan habang nakapikit ang mga mata habang hinahayaang dumampi sa mukha niya ang hangin. Tuwing nasa building siya nang El Feugo ito ang paborito niyang lugar. Pakiramdam nang dalaga dinadala nang hangin sa rooftop lahat nang mga problema niya. And the clear blue sky is her comfort. “You’re really here.” Isang baritonong boses ang narinig ni Samantha. Bigla siyang nagmulat nang mata saka napalingon sa may-ari nang boses. Natigilan ang dalaga nang makita si Drake. Sa pagkakaalam niya, nasa factory ito kasama si Lee. Marami silang dapat na ayusin sa kompanya nang binata lalo na at mga project na ginagawa ang Tito ni Drake nang hindi sinasabi sa binata. Ilan din sa mga trabahador nila ang pinaalis

