Napatingin si Samantha kay Lee. Natunugan na niya ang gusto nitong tanungin sa kanya. At marahil alam na nito ang tungkol sa sakit niya. Kahit siguro walang sinabi sa kanya si Simone malalaman din ni Lee. Mabilis makahalata si Lee. “Talaga bang wala kang balak sa sabihin ang tungkol sa kalagayan mo? Kahit sa akin?” tanong nito kay Samantha. Napatingin naman si Samantha kay Simone. “Don’t look at me. Kahit hindi ko sinabi sa kanya malalaman din niya.” Depensa nito. “And for the record. Kinumpirma ko lang ang alam na niya. Alam mong mabilis ang pang-amoy niya.” Wika ni Simone. “Talagang nagsabwatan pa kayong dalawa na ilihim ang tungkol sa sakit mo. Ano nalang ang iisipin ang lolo mo. Alam mong---” “Hindi niya kailangang malaman.” Maagap na wika ni Samantha. “Hindi niya pwedeng malama

