Gusto niyang maghigante pero hindi niya alam kung papaano magsisimula. Wala siyang pera at Malaki din ang binabayaran sa hospital at pagpapagamot sa mama niya. Kahit na makuba siya sa mga part time jobs niya hindi siya magagante sa malaking business group kung hindi rin siya nasa kaparehong mundo nang mga ito.
"Drake Anderson?" wika nang isang matanda na sinalubong si Drake papalabas siya noon mula sa sementeryo matapos ilibing ang ama niya. Natigilan naman ang binata at napatingin sa bagong dating. Nang makilala ang matandang lalaki napakuyom nang kamao si Drake. Hindi niya kilala ang matanda personally, pero alam niya kung anong kaugnayan nito sa pamilya niya. Malaki ang pagkakautang nang ama niya sa matanda. And he is also the reason why he took his own life. HIndi nito nakaya ang pressure na ibinibigay nang matanda plus that fraud case na isinampa sa ama niya. He lost his hard-earned business and took his own life. Ngayon naiwan siya at ang mama niyang hindi makapagsalita dahil sa labis napagkabigla sa mga nangyari. She also attempted to take his own life.
Habang nakatingin siya sa mukha nang lalaki nagpupuyos ang kalooban niya. Paano siya nahaharap nito matapos ang ginawa nito sa pamilya niya. Sa harap nang libingan nang ama niya sinabi niyang hindi siya titigil hanggat hindi napaghihigante ang nangyari dito at hindi nalilinis ang pangalan nito. Alam niyang wala naman masamang ginawa ang ama niya. He built his company from nothing at hindi nito gagawing gumawa nang fraud para lang makilala. At ngayon nasa harap niya ang taong dahilan nang kanilang pagdurusa. Hindi niya maitago ang galit sa puso niya para sa lalaking ito.
"Leandro Montefuego." wika nito at inilahad ang kamay sa binata.
"I know you." anang binata at napatingin lang sa kamay nito at hindi tinanggap ang pakikipagkamay nang matanda.
"How ironic, you married the granddaughter of the person who caused your dad's death. kaya mo bang makisama sa kanya?" tanong nito.
"Let me worry about it." anang binata at tumalikod sa dalaga. aalis sana ang binata pero biglang hinawakan nang dalaga ang braso niya. Natigilan naman ang binata saka napatingin dito at marahas na binawi ang kamay niya at walang pasabing iniwan ang dalaga. Gigil na napakagat nang labi ang dalaga habang nakatingin sa binatang papalayo sa kanya.
"Pwede ba tayong mag-usap? This related to your dad's business. I'd like to give you an offer na hindi mo kayang tanggihan." wika nito. Napatingin naman ang binata sa matanda. Hindi pa ba sapat dito na naghihirap na sila nang mama niya. Ngayon naman gusto din siya nitong mabaon sa utang? Kulang pa ba ang buhay nang papa niya? Nagpupuyos ang kalooban niya at wala siyang ibang iniisip kundi ang maghigante. Sa ngayon, naisip ni Drake na wala siyang kakayahan para balikan ang matanda. He has to listen to what he has to say. Kung gusto niyang gumanti dapat maging matalino siya sa magiging kilos niya.
Dinala nang matanda ang binata sa isang restaurant. Walang laman ang restaurant na iyon dahil sinabi nang matanda sa manager huwag magpapasok nang customer hanggat hindi sila lumalabas. Mukhang isang malaking sekreto ang pag-uusapan nila dahil sa ayaw nitong may pumasok sa lugar na iyon habang nandoon sila.
“Bakit niyo ako gustong makausap?" Tanong nang binata sa matanda nang derecho.
"Let me cut the chase." wika nito saka sininyasan ang lalaki sa likod nito na lumapit. Nalakad naman ito papalapit sa kanila saka inilapag ang isang envelop. Kinuha iyon nang matanda saka inilabas ang papeles na nasa loob saka inilapag sa harap nang binata. Taka namang napatingin ang binata sa papeles na nasa harap niya.
"What's this?" Tanong nang binata.
"Documents that state, your father's business. will be under your name." anang matanda. lalo namang napatingin nang derecho ang binata sa matanda. Why is he giving him that document. Pero alam niyang hindi naman nito ibibigay sa kanya ang business nila nang walang kapalit lalo na at ito na ang bagong may-ari at sa pagkakalam niya isa na ito sa mga kompanya sa ilalim nang El Fuego's Pride.
"Ano naman ang kapalit nito? I am sure hindi mo naman ibibigay ito nang libre. Not after what happen." wika nang binata.
"You are smart." anang matanda. Saka tumawa. “Tama nga ang apo ko. Magaling siyang pumili.” Wika nito napakunot naman ang noon ang binata dahil sa sinabi nang matanda. "I am a businessman. The only transaction I know is about business. Siguro naman alam mo ang kinakaharap nang kompanya niyo after that mess. We will rebuild and save your company at ibibigay saiyo ang pamamahala nito. But, in one condition." anito at tumingin nang derecho sa binata. "You have to marry my grandchild." anito.
"What?" gulat na bulalas nang binata. Muling lumapit ang assitant nang matanda at iniabot dito ang isa pang dokumento. inilapag naman nang matanda ang document sa harap nang binata. Una niyang nabasa ang header nito na nakasulat sa bold font ang Marriage contract.
"Nakasaad sa marriage contract na iyan, that you have to marry my grandchild for 1 year and stay with her within that period. Then after that. Your company is all yours." anito. Napatingin naman ang binata sa matanda.
“Babayaran ko din lahat nang utang nang ama mo.” Dagdag pa nito. Bagay na lalo namang hindi mapaniwalaan ni Drake. Kanina lang nasa putod siya nang ama niya at sumusumpa na maghihigante siya ngayon naman nasa harap niya ang lalaking gusto niyang pahigantehan at binibigyan siya nang offer na hindi niya magawang tanggihan.
Anong klaseng lolo naman ang gagawa nang marriage contract para sa apo niya. HIndi naman bago sa business world ang mga arrange marriage. But this? Ang lolo mismo ang gagawa nang kondisyon para sa apo niya? Wala bang magkagusto sa apo niya at kailangan nitong kumontrata nang lalaking magpapakasal dito.
"While you are married with my granddaugter. You can start working sa Kompanya niyo. I will appoint you as a CEO and I will have one of my trusted assistants to help you rebuild your company." Wika nang matanda. Simula nang lumabas ang tungkol sa fraud case nang papa niya humina ang kompanya nila. Marami ang mga nawalan nang trabaho kahit yung mga matagal nang empleyado. Para sa kanya hindi lang isang kompanya ang business nang papa niya dahil pamilya ang turing nang mga empleyado sa isa't-isa.
"We will also handle all the legal matters and the fraud case." Anang Matanda.
"Was it not you who cause it?" matapang na wika nang binata. Hindi naman sumagot ang Matanda. Sa isip ni Drake, wala itong plano depensahan ang sarili at ipagkaila ang lahat. Pero bakit siya nito tutulungan? Kapalit nang pagpapakasal niya sa apo nito? Desperado na ba ito na ikasal ang apo niya.
"Let me know if you want to add something sa terms and conditions. I can have my lawyers work on it." Anang Matanda. "Sa ngayon, ilalagay ko sa ilalim nang El Fuego ang kompanya niyo. You can start managing it after one year. You will have full control over it, and it will be a separate entity." Dagdag pa nito.
"Why are you doing this?" tanong nang binata. “Just to let you know. Malaki ang galit ko saiyo at sa pamilya mo. Kung hindi dahil saiyo hindi mamatay ang ama ko.” Wika nang binata na hindi maitago ang galit sa puso niya. Hindi niya mapapatawad ang lalaki kahit pa inilapag na nito sa harap niya ang isang bagay na hindi niya matatangihan. Binibigyan siya nito nang pagkakataon na muling ibangon ang kompanya nila. Kapalit noon ang pagpapakasal nito sa apo nito.
"Magulang din ako. I have may reasons and I think. My reasons do not concern you. Sabihin na natin na pareho tayong makikinabang sa deal na ito. You can get your father's business, and My precious grandchild will have a husband."
"Why one year?" Tanong nang binata. Gusto niyang malaman kung bakit sa loob nang isang taon lang? Gusto niyang malaman kung anong tumatakbo sa isip nang matanda.
"Like I said I do business. Sabihin na nating parte nang kontrata ang one year agreement. You will separate in one year and you can marry anyone you want." anito. “I heard you had a fiancée before.” Anito sa binata.
“Dati.” Anang binata saka napakuyom nang kamao.
"I don't know how twisted your mind is. But I'll take this offer. There is one thing that I want to add though." anang binata. Napatingin lang ang matanda sa binata na tila hinihintay kung ano ang idadagdag niya sa kondisyon para sa kasal nito sa apo nang matanda.
"Lahat nang mga dating empleyado nang Kompanya will have their Jobs back." anito. Alam niyang hindi gustong umalis sa kompanya ang mga dati nilang empleyado pero dahil sa biglaang pagkalugi nang kompanya nila kaya napilitan ang mga ito na umalis ang ilan sa kanila at tinanggal. Ang alam niya ang matanda na ngayon ang namamahala sa kompanya nila at may mga bago nang empleyado at sa dinig niya mukhang papalitan din nila nang pangalan ang kompanya dahil sa naging masamang reputasyon nito matapos ang fraud case nang ama ni Drake.
"Anything else?" Tanong nang matanda. Napaawang lang ang labi ni Drake mukhang desperado itong maikasal ang apo niya.
“Hindi niyo papalitan ang pangalan nang kompanya. I want you to clear my dad’s name and declare his innocence. Alam nating pareho wala siyang ginawang masama.”
“Iyon lang ba?” Tanong pa nang matanda na para bang naghihintay pa nang ibang sasabihin nang binata.
"My personal affairs are still mine." anang binata.
"Let me caution you with personal affairs." Anang matanda.Kahit isang contract marriage lang ito. Ayokong malalaman na nakikipagrelasyon ka sa iba habang mag-asawa kayo nang apo ko. Wait until one (1) year is over. Ang apo ko ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Kapag hindi maganda ang trato mo sa kanya. Trust me. I can be worse nightmare." wika nang matanda sa binata. Napatingin lang si Drake sa matanda. Wala siyang alam sa apo nito. Alam niyang isang makapangyarihang businessman ang matanda. Kahit ang mga politiko ay tiklop sa matanda.
“Henry.” Wika nang matanda saka bumaling sa assistant nitong nasa likod nang matanda. “Nakuha mo ba lahat nang gusto niyang idagdag sa terms and condition?” tanong nang matanda.
“Yes Sir.” Magalang na wika nito.
“That’s good.” Wika nito at tumayo. “Pumunta ka sa address na ito ngayon sabado. Ipakikilala kita sa pamilya ko at sa magiging asawa mo.” Wika nang matanda saka inilapag ang isang papel sa harap nang binata nakasulat doon ang address nang mansion nang mga Montefuego.
Nakauyom nang kamao ang binata nang makalabas nang restaurant ang matanda. Kailangan niyang pikit matang tanggapin ang mga kondisyon nito Para sa paghihigante niya kailangan niyang magtiis. Marami siyang naririnig tungkol sa Pamilyang Montefuego. Isang malaking kompanya dito sa bansa at sa labas. May mga kapit sa gobyerno at malapit kahit na sa Presidente nang bansa.