Pagkarating naming ng bahay nila Reb ay agad nagpaalam si Ina na babalik na sa restaurant niya. Inaya ko pa ito na pumasok para makapag-meryenda man lang pero next time na lang daw. Pumayag na lang ako dahil mukhang busy siya, ilang beses ko rin siyang nahuli na patingin-tingin sa phone niya. Pagkapasok ko sa malaking bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto namin ni Bae. Agad akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Ang sabi ni Selene ay i-text ko siya kapag nakauwi na ako para sabay naming titignan ang files na nakuha niya. Noong una ay nakaramdam ako ng excitement pero nong nakauwi na ako ay bigla itong naglaho. Hindi ko alam pero may part sa akin na natatakot sa kung ano man ang laman niyon. Paano kung totoo ang mga assumptions ko tungkol kay Bae? Paano kung ang Bae na nakilal

