I WOKE UP STILL FEELING DIZZY. Napakurap-kurap ako hanggang sa maanigan kong nasa loob ako ng kwarto ko. "Mayu, thank God. How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?" dinig kong tanong ni Tita Verna na puno ng pag-aalala. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto ko at nakitang nakatunghay sa akin sila Mama, Papa, Tita Verna, Daddy nila Denver at Selene. Nasa couch naman nakaupo ang tatlo kong pinsan habang nakatayo sa gilid ng pinto si Bae na mataman ng nakatingin sa akin. "What are you doing there?" kakakunot noong tanong ko kay Bae at sinalubong ang mga tingin niya. Huminga lang ito ng malalim at hindi umimik. "Anak, why didn't you tell us na you're pregnant?" tanong ni Tita Verna kaya napalingon ako dito. "I'm just nineteen,” mahina kong sabi. Narinig ko ang mahi

