ALEX’S POV Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Pareng Charles mula sa kwarto ni Abby, dahil may mga gwardya nang nagroronda dito sa village nina Abby. Mabuti na nga lamang at mga kilala ang mga pamilya namin dito sa vayan namin, kaya hindi kami sinisita. Tahimik naming tinatahak ang kalye patungo sa aming tambayan nang magsalita si Pareng Charles. “Mga p’re, kung itanan ko na kaya si Abby? Nang hindi na kami mapaghiwalay,” basag ni Charles sa aming katahimikan. “P’re, kung nakahanda ka ng mag-asawa. Bakit hindi ‘di ba? Ang tanong dito ngayon. . . Kung handa ka nang mapatali habambuhay?” seryosong sabi ko. “Tama si Pareng Alex, p’re! Kailangan sigurado ka sa papasukin mo. Dahil kung hindi baka sa paghihiwalay din ang uwi n’yo ni Abby,” segunda ni Pareng Nathan. Tumango

