ALEX’S POV Hindi ko akalain na malalaman ni Clarice ang tungkol kay Klea. May usapan kami ni Klea na hindi niya ipaparating kay clarice ang tungkol sa nangyari sa amin at sa pagbubuntis niya na sigurado akong hindi sa akin ang bata. Nangyari na ang kinatatakutan ko, ang makipaghiwalay sa akin si Clarice. ‘f**k…’ mura ko at sinuntok ko ang ding-ding ng aking silid. Hindi ako papayag na sirain ni Klea ang relasyon namin ni Clarice. Pinagsusuntok ko ang pader nang dumating ang aking mga kaibigan. “P’re, tama na! Hindi mo maayos ang problema mo, diya sa ginagawa mo,” awat sa akin ng bestfriend kong si Nathan. “P’re, andito kami para sa ‘yo. Aayusin natin ang problema mo. Walang iwanan,” seryosong saad ni Charles na problemado rin sa relasyon nila ni Abby, dahil sa mga magulang nilan

