Ngayon ang huling gabi ng lamay ni Tito Rafael at araw-araw na tumatawag si Nathan upang makita ang ama. Kaming magkakaibigan ang nag-asikaso ng burol ni Tito Rafael dahil simula nang maganap ang madilim na pangyayari kay Tito Rafael ay hindi na makausap si Tita Eliza at palagi na lang siyang tulala o kaya naman ay biglang iiyak at magsisigaw. Si Nathan lang ang nakakapagpakalma sa kanya kapag kausap namin sa video call. “Tito Rafael, maraming salamat sa lahat. Masakit man sa amin ang nangyari sa ‘yo, pero alam namin na payapa ka na sa diyan sa kabilang buhay,’’ sabi ko habang hinahaplos ko ang salamin ng kanyang kabaong. Simula nang maging magkakaibigan kami nina Nathan ay hindi naging iba ang trato niya sa amin at naging ama rin siya sa amin nina Charles, Carlo at Rigor. Si Tito Rafael

