Bukas ay ikakasal na sina Charles at Abby. Kaya abala na kaming lahat para sa kanilang kasal, at si Macky naman ang abalang nagbabantay kay Lorraine kaya kulang na lang ay doon siya tumira kina Francis. Ang sabi ni Macky ay palaging wala sa mansion si Francis at abala ito sa casino at sa pambabae niya. Nabalitaan din namin na nakatakas na si Lavinia papuntang America. Ngayon ay nagbabiyahe kami dito sa South Luzon Expressway, pabalik sa Quezon Province. Nagpunta kamin na magkakaibigan sa Manila upang kunin ang damit pangkasal ni Abby mula sa isang sikat na boutique na pagmamay-ari ni Totoy Madriaga. Ang isa sa sikat na fashion designer dito sa Pilipinas, at siya ang idolo ni Abby. Kaya sa kaniya nagpagawa si Charles ng wedding gown. "Pareng Charles, sa wakas ikakasal ka

