CLARICE’S POV Mabilis lumipas ang buwan simula nang magkabalikan kami ni Alex. Dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Alex ang isilang ni Klea ang ipinagbubuntis nito. Isinama ako ni Alex dito sa Quezon, upang puntahan sa hospital si Klea. At pagdating namin sa hospital ay naabutan namin ang mga mgaulang ni Alex. Hinawakan ni Alex ang aking mga kamay nang titigan ako nang madilim ng kanyang ina. “Alex, mabuti naman at dumating ka na.” Tumingin sa akin ang ama ni Alex. “Hija, mabuti naman at alam mo na ang tungkol sa problema ni Alex,” bati sa amin ng ama ni Alex. “Umuwi talaga ako, Dad, and this time mapapatunayan ko sa inyo na hindi akin ang bata!” pabalang na sagot ni Alex sa ama, habang ang kanyang mga mata’y nakatitig sa kanya

