CLARICE'S POV Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. At nakita kong tumatawag sa akin ang mommy ko. Hindi ko sinagot ang tawag niya, dahil pipilitin lamang niya akong umuwi sa Quezon, to celebrate my eighteen birthday. Nakaramdam naman ako ng pagkirot sa pag-itan ng aking hita. Ngumiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Alex. He already took my virginity, at wala akong pinagsisihan na ibinigay kong ng buo ang aking sarili sa kanya. Noon ko pa gustong ibigay ang aking sarili kay Alex, ngunit nagpigil pa rin siya sa kanyang sarili. Kasalukuyang magkatabi kami ni Alex ngayon na kapwa pala kami nakatulog pagkatapos ng mainit naming pagmamahalan. Nagising naman si Alex nang pilit akong umupo para pumunta sa bathroom. "Why?" tanong sa akin ni Alex nang hindi ako makatayo

