CLARICE'S POV "Bakit ngayon ka lang umuwi?!" singhal ng aking ina nang makapasok ako sa aming mansion. Hindi na ako magtataka na magbunganga siya, dahil mukang hindi mabu-buo ang araw niya nang hindi ako tatalakan. Tama si daddy, my mom is a nagging wife and mother. Tumingin ako sa aking ina. "Mommy, hindi ako umuwi kagabi...to give you privacy with your boyfriend!" singhal ko sa aking ina. "What are you talking about?!" she asked. "Mommy, huwag ka nang tumanggi! Dahil kitang-kita ng dalawang mata ko...ang paghahalikan n'yo ng boyfriend mo!" Sabay talikod ko sa kaniya at mabilis kong tinungo ang aking silid. Pabagsak kong isinara ang pintuan ng kwarto ko at nagsimula na akong mag-iyak. Nasasakal na ako sa ina ko, sa pagiging diktadora niya. I really hate her. Nagdesisyon na akong

