After Three Years Bago kami pumunta sa Graceland kung saan gagawin ang party na pinagkaabalahan nina Tito Ruben at Tito Julio, para kina Nathan at Lorraine ay pinuntahan ako ni Macky at sinabi niya sa akin na nagbalik na sina Francis at Lavinia. At hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman tungkol sa pagbalik nina Francis at kung ano ang motibo nila. “Macky, sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong ko sa aking pinsan na kaibigan ni Francis. Sinabi sa akin ni Macky na ngayon gabi ay ipapaalam na sa mga tao ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Francis at Lorraine, ganoorin sina Nathan at Lavinia. Kaya hindi ako makapaniwala sa aking nalaman, at walang kalam-alam ang kaibigan ko sa surpresang naghihintay sa kanila. Tumingin sa akin si Ma