Kahit pa nagugutom ako ay hindi ko makuhang magsabi kay Siege na gusto kong kumain. Hindi ko alam kung bakit ba nakikipagtiisan ako sa kanya. Honestly hindi ko alam kung nakikipagpataasan baa ko sa kanya ng pride o sadyang hindi ko lang kayang humingi ng tawad. I know that I should say sorry. Napaka insensitive kong tao kung hindi ko alam na dapat akong humingi ng tawad sa inasta at ginawa ko kanina. Isa pa nakita ko kung gaano sya na apektuhan ng nagging usapan naming kanina. Imbis na na enjoy nya yung event kahit papano nakita ko din talaga na nawala sya sa mood. Nagdesisyon akong pumikit nalang at tiisin ang gutom ko. Kaya ko naman to hindi naman ako mamamatay kung hindi ako maka kain ng isang oras. Siguro ay itetext ko nalang sya mamaya dahil hindi ko alam talaga kung paano din a

