Chapter 4
Marc's POV
Macy's Father: Ano? (nagkunot ng noo)
Marc: Kung pwede po ako manligaw po sa anak niyo po? (nahihiyang pagkakasabi)
Macy's Father: Pumayag ba ang anak ko?
Marc: Opo
May pagkastrickto kase ang mga magulang ni Macy, kaya naman wala pa itong nagiging boyfriend. Si Marc lamang ang naglakas loob na manligaw at nagpaalam sa mga magulang nito.
Sa ilang oras pa nang paguusap nila ay pumayag din ang ama ni Macy.
Marc: Thank you po
Macy's Father: Basta walang sakitan Marc
Marc: Opo
Sabay sabay na silang kumain dahil inabot ng gabi na ang kanilang paguusap.
Umabot ng gabi ang pagkukwentohan nila ng tatay ni Macy at biglang nagchat ang mommy niya.
Marc recieve a chat
Marc's Mommy: Anak di ka pa ba uuwi, gabi na?
Marc: Ahm, Tito uuna na po ako nagchat na po si mommy hinahanap na ako!
Macy's Father: Oh sige magiingat ka
Marc: Sige po, thank you po
Macy's Father: Anak! Macy, uuwi na daw si Marc
Bumaba si Macy galing kwarto niya dahil siya ay nagayos ng kanyang hihigaan dahil gabi na.
Macy's Father: Magiingat ka Marc ha!
Marc: Opo
Macy: Uuwi ka na?
Marc: Oo nagchat na si Mommy eh
Macy: Ihahatid pa ba kita sa may kalsada?
Marc: Wag na, wala ka namang kasabay na papasok dito sa inyo eh
Macy: Oh siya sige, magiingat ka ha
Marc: Sige, thank you
At umalis na si Marc
Nagreply siya sa kanyang Mommy
Marc: Pauwi na po ako Mommy
Makalipas ang ilang minuto nakarating na siya sa kanilang bahay.
Nagchat siya kay Macy.
Marc: Macy andito na ako sa bahay makikisabi na lamang kay na tito at tita, thank you again
Macy: Sige
Baka magtaka kayo bakit ang bilis ni Marc makauwi sa kanila dahil sila po ay nasa iisang barangay lamang po at ilang bahay lamang ang pagitan ng bahay nila. Sina Marc kase ang tabing kalsada ang bahay at sina Macy naman ay looban ang bahay nila kaya hindi pumayag si Marc na magpahatid dito. Ang hindi alam ni Marc ay sanay na si Macy sa kanilang lugar dahil since birth pa kase siya nang tumira sila sa kanilang baranggay.
Macy's POV
Macy: Tay nakauwi na daw ho si Marc sa kanila
Macy's Father: Sige
Nakareceive si Macy ng chat mula kay Marc ito ay the next day na.
Marc: Hi, Good Morning!
Macy: Hello, Good Morning too!
Marc: Hindi muna ako pupunta ngayon dyan sa inyo, hanggang gabi kase ang klase ko ngayong araw
Macy: Sige, magiingat ka sa pagpasok mo
Marc: Sige, Ikaw din!
Mamaya na lamang ulit at ako ay aalis na para pumasok at babyahe pa ako
Macy: Sige, magingat ka
Marc: Magchachat na lamang ako sa iyo pag ako ay pupunta dyan sa inyo, Bye
Macy: Oh sige, Bye ingat
Nagheart react na lang si Marc sa huling chat ni Macy sa kanya.