Chapter 2:
Lumipas ang 4 na taon na pagaaral ni Macy at siya ay tapos na sa High School. Ang pangako niya sa sarili ay aamin na siya kay Marc pag nakapagtapos na siya ng pagaaral.
Si Macy ay nagkaroon ng lakas ng loob na mag confess kay Marc. Nakita niya si Marc na nasa balkonahe si Marc mag-isa. Lumapit siya kay Marc at sinabi niya ang kanyang feelings at ang sabi ni Macy ay kung pwede daw ba niyang ligawan si Marc. Ngunit hindi pumayag si Marc na manligaw ito sa kanya.
Marc: Hindi ka pwede manligaw sa akin.
Ang gusto kasi ni Marc ay siya ang manliligaw dahil hindi sanay si Marc na siya nililigawan ng babae. Sa mga oras kasi na nagconfess si Macy ay broken naman si Marc sa kanyang ex girlfriend.
Pumayag naman siya sa gusto ni Marc. Ngunit ang sabi ni Macy kay Marc ay tatapusin niya muna daw ang kanyang pag aaral.
Macy: Sige, pero tatapusin ko muna ang aking pag-aaral sa kolehiyo ha.
Marc: Sige
Pagkasabi ni Marc ay umalis na si Macy at kinikilig pa siya dahil sa halip na siya ang manliligaw eh siya pa ang liligawan ngayon ng kanyang naging crush.
Si Macy ay nag-aaral ng kolehiyo sa kurso na BTLED (Bachelor of Technology Livelihood Education) yan ang course na gusto niyang tapusin sa kolehiyo.
Si Marc naman ay nasa ikatlong taon na sa kolehoyo at Criminology ang kanyang kurso at gusto tapusin.
Kinabukasan
Nagising si Macy dahil ginising siya ng kanyang nanay at sinabi na may taong naghahanap sa kanya.
Macy's Mother: Ate gising ka na dyan may bisita
Nagmulat ng mata si Macy
Macy: Sige po
Macy's Mother:
Pagbaba ni Macy ay dumeretso siya sa banyo upang gawin ang mga gawain niya tuwing siya ay nagigising sa umaga. Pagkatapos ay pumunta siya sa salas kung saan nag iintay ang kanyang bisita.
Macy: Uy ang aga mo naman dito
Shaine: Balita ko umamin ka na kay Marc kahapon?
Macy: Kanino mo naman iyan nabalitaan?
Shaine: Basta, so umamin ka na nga?
Macy: Oo
Shaine: Ano nangyari?
Macy: Wala naman masyado, umamin ako at nagulat siya
Shaine: Yun lng?
Macy: Manliligaw raw siya sa akin, nung una ako dapat pero ayaw niya eh, kaya ayun siya na daw manliligaw sa akin.
Gulat na lamang ang naging reaksyon ni Shaine, na siyang kaibigan ni Macy simula nang siya ay mag High School