Sa isang maluwang na bulwagan ay makikita agad ang napakaraming mga Mafia leader na nagkukumpol-kumpol at masayang nag-uusap. Ang buong pagdiriwang ay isang masquerade ball. Sa isang kwarto kung saan naghihintay ang itatalagang Mafia leader ay hindi mapakali si Greg na mukhang kinakabahan. “Greg, easy ka lang. Masyadong halata na pinagpapawisan at kinakabahan ka. You are the Mafia’s leader, so you shouldn’t be scared,” sabi ng lalaking kasama ni Greg sa kwartong iyon. “Madaling sabihin para sa iyo dahil hindi naman ikaw ang binabalak nilang patayin. Hanggang ngayon ay hindi pa natin alam kung sino ang boss ng mga gagong iyon!” singhal niya sa lalaki na abalang naglalaro ng baraha. Napatayo ang lalaki at saka uminom ng alak. “Come on. Nakabantay naman na ang maraming gwardiya s

