The Three Words

1956 Words
"Three words, Ily." Nakaluhod sa harapan ko si Harren. May hawak na isang bungkos ng pulang rosas at halata ang kaba niya dahil sa nanginginig na mga kamay. "I love you..." I saw the sincerity when he said those three words. With his love and care for me. "Three more words... be my girlfriend." Nakatitig siya sa mga mata ko. Na para bang ako lang ang nakikita niya. Na para bang mawawasak ang buong pagkatao niya kapag hindi tugma ang mga salitang sasabihin ko sa mga salitang inaasahan niya na lalabas sa bibig ko. Halos lahat ng estudyante ay nakapalibot sa amin sa university's quadrangle. Mga nanonood at namamangha sa ginagawang proposal sa akin ni Harren. Tulad nila ay wala na rin akong nagawa kundi manood at mamangha. Yakap ko ng mahigpit ang bitbit na libro. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. Three months na siyang nanliligaw sa akin. Wala naman akong hinahanap na specific na tipo ng isang lalaki pero noong nakilala ko siya ng husto, pakiramdam ko ay siya ang tinadhana sa akin. I can't believe that he can do this in front of many people. Hindi sanay si Harren sa mga ganitong bagay. Sa pagkakaalam ko ay ako ang una niyang niligawan. Habulin siya ng mga babae pero ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng totoong girlfriend. Kilala ko na siya dati pa. Naririnig ko na ang pangalan ni Harren noon. Siya yung palaging laman ng usap usapan ng mga ka block ko. Tinaguriang heartthrob ng Engineering Department. Hindi alam ang salitang panliligaw. Puro fling at hindi nagseseryoso sa babae. Kaya naman sobra akong nagulat nang lapitan ako nito dati. Hindi ako naniwala noong sinabi niyang gusto niya akong ligawan. Sobrang straight forward ng lalaki sa 'damdamin' daw niya. Tinawanan ko siya, syempre. Then days passed, nagpatuloy pa rin ito. Hindi sumuko kaya ako na lang ang sumuko sa pagtataboy sa kanya. Hinayaan ko siya at inignora. Maraming babae ang nagalit sa akin. Napaka arte ko raw pero hindi naman daw ako kagandahan. I just ignored them like I am always doing. Nasa eskwelahan ako para mag aral at makapagtapos. Wala akong oras sa mga hinaing nila tungkol sa akin. A white rose and my favorite chocolate bar was I've been receiving every morning. Nasa desk ko iyon o may nagaabot na estudyante. Alam ko na kung kanino iyon nanggagaling. Akala ko noon trip niya lang talaga. Maaaring bored at walang magawa sa buhay. Pero ngayong nakikita ko siya na nakaluhod sa harapan ko, naniniwala na ako. His sincerity is all I am seeing. He even said the magic words, those three words. "Y-Yes, Harren. I will be." That was my answer to him. Kinuha ko ang bouquet of red roses. Mukhang mamahalin. Hindi na ako nagtaka dahil may kaya sa buhay si Harren. Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit siya kinahuhumalingan ng mga babae sa campus. Nanlaki ang mata niya at hindi makagalaw sa kinaluluhuran. Para bang hindi ito makapaniwala. "Yes? Did I heard it right? Yes, diba? Yes?" I nodded. Mas naging malaki ang ngisi niya. He's smiling widely like he won a million of dollars. Agad siyang tumayo at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay niyakap at binaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. Palihim na pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Tears of joy. I'm just so happy today. It feels surreal. Sa loob ng ilang buwan ay unti-unti kong nakikita ang totoong Harren. Mabait naman pala siya. Sweet din siya sa akin kahit na noong mga panahon na sinusungitan ko ito. I fell for him in a span of three months while he is courting me. Hindi ko lang iyon pinakita at pinahalata. And in every minute we spend together, my feelings got deeper. Dalawang taon na rin akong pinapasaya ni Harren. In that two years I felt his love. He never fails to makes me happy and makes me feel loved by him. Hindi siya nauubusan ng surprises at regalo. Minsan nga ay nahihiya na akong tanggapin ang mga 'yon dahil hindi ako madalas makapagbigay pabalik. I'm not born the way he was. Hindi ako mayaman na tulad niya. Kahit busy sa school works and activities ay hindi niya nakakalimutan na maglaan ng oras para sakin. He's so sweet just like that. Buong araw kaming hindi nagkita. Isa kasi ito sa mga araw na purong pagaaral lang ang inaatupag namin. May isa o dalawang beses kasi sa isang linggo na focus lang kami sa studies at sa uwian na nagkikita. It's one of our rules to strengthen our relationship. Kahit ang pagkain ng sabay ay hindi namin ginagawa sa ganitong araw. Masama naman kasi ang palaging magkasama at nakadepende sa isa't isa. That's toxic. Harren: Babe? Three words for you again. Our special place. My heartbeat fastened. Hindi ko alam kung dahil ba na excite ako dahil nagtext siya o dahil ba sabik lang ako sa kanya. Maybe both. Sa dalawang taon namin ay naging hobby niya na talaga ang pagsasabi sa akin ng three words. Kinikilig ako tuwing ganoon. He seems like a poet. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Nagmadali nang lumabas ng classroom dahil tapos na rin naman ako sa mga pinapagawa ng proffesors. Alam ko na agad kung saan ang tinutukoy niyang lugar. In our special place. Pumunta ako sa bandang likod ng gymnasium. There I saw him. Nasa ilalim ng malaking puno na paborito naming sandalan. Ang mga kamay niya'y nasa loob ng pants habang sinisipa ang mga batong nakakalat sa palagid habang naghihintay sa akin. "Babe," I called Lumingon siya sa akin nang marinig ako. Nilapag ko ang bitbit na bag at libro sa damuhan at agad siyang sinunggaban ng yakap. Kahit ilang oras lang kaming hindi nagkita ay nananabik agad ako sa kanya. He hugged me in return. "Three words, Harren. I missed you." Na adopt ko na ang pagsasabi niya sa akin ng three words. Sa tagal ba naman namin magkasama ay nahawa na rin ako sa pagiging makata niya. Malapad ang ngiting iginawad ko kahit na hindi niya ako nakikita. I'm so happy to see him here in our special place. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nakakabisita rito dahil abala sa kanya kanyang study. "I missed you too, Ily," he broke the hug. He smiled but it didn't reach his eyes. "May problema?" I crossed my arms and looked at him. Sinisipat kung anong mali para maging ganito ang mood niya. Kilala ko na siya. I know that there's something wrong. "Ily..." "Oh?" My brows shot up. "You know how much I love you, right? God knows that I'm smitten. Unang kita ko pa lang sa'yo noon... nahulog na ako, Ily." Is this the wrong I was saying? I guess not. He's this usually sweet to me. Tumango ako sa kanya. Ang seryoso kong mukha ay napalitan ng ngisi. Hindi ko napigilan ang ngiti at tumalikod na ako sa sobrang kilig. Ano bang nakain nito? Hindi lang kami nagkita ng ilang oras naging ganito na siya. Sobrang seryoso pa nito kanina pero pinapakilig na niya ko ngayon. Isa na naman siguro sa mga surpresa niya para sakin. Lalo akong napangiti. Dinampot ko ang aking bag at libro. Balak ko itong isandal ng maayos sa tabi ng puno. Kinakalma ang sarili sa mga litanya niya. "But I want you to hear my last 'three words' as your boyfriend." Nanlaki ang mata kong nakatalikod pa rin. Magpopropose na ba siya? Did he want us to take the next level. Did he want me to be his fiancee. Well, ayos lang naman sa akin 'yon dahil alam kong walang magbabago sa relasyon namin. As long as pagaaral muna ang intindihin namin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinigit ang palapulsuhan ko paharap sa kanya. Is this it? Malapad ang ngiting iginawad ko sa kanya pagharap. "Th-Three words... let's break up." When those three words sink in, my things suddenly fell and my world too. Napaatras ako. I didn't have the courage to speak that time even if I have a question to ask in my mind. You said that you love me, then... I wanted to ask a word from him. Just one word for those three words. ...why? Dumilat ako matapos alalahanin ang lahat. Natanaw ang berdeng damuhan sa aking paligid. Sa likod ko ay ang malaking puno na naging saksi sa lahat. It's been five years since that day but that one word is still stucked in my head. Hindi ko kasi naitanong sa kanya. Kusa siyang umalis at hindi ko na siya nahabol pa. And now, I am living quietly and successfully as a Public Accountant. But I still feel incomplete. I am still thinking about Harren. What about him? Is he successful as I am now? I'm sure he is. Engineer Harry Enrico Valdemor. Alam kong dala na niya ang titulong iyon sa unahan ng pangalan niya. I am happy for him. I will also be happy for him when I got to see him again. Even if he hurt me, his and my love will always be there. I only heard from his friends that he and his family flew abroad a few days after he broke up with me. I'm so wasted that time. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I have no clue for what he did. Biglaan siyang nakipaghiwalay. I didn't see that coming. He told me that he love me but then he just left me behind. And even I was hurt, I just decided to keep my love for him. To just continue loving him. I am thinking that he has an acceptable reason and he will definitely come back to me. It's been five years and I really missed him. Ngayon ko lang naisipang bumalik sa lugar kung saan nag umpisa at natapos ang pag ibig sa akin ni Harren. I stood up and decided to leave on our special place. I will definitely come back here again. I stopped when I heard the sound of the ball and shoes inside the gym. Sumilip ako. Nagtaka dahil nakita kong nagsiuwian na kanina pa ang varsity ng dati naming school. Nagulat ako nang may nakitang mga pamilyar na mukha. They are Harren's friends! Teammate niya noon! Tumigil ang laro. It seems that they are done for today. Malapit nang mag gabi at dumidilim na rin sa labas. "Ily..." tawag ng isa at lumapit. Nanliit ang mga mata ko. I know him. His dimple is so familiar to me. Isa siya sa malapit kay Harren noon. At isa siya sa mga pinagtanungan ko noong bigla na lang nawala si Harren. Pero wala siyang naisagot. Wala daw siyang alam. Hindi rin daw nagpaalam sa kanilang team si Harren. They just know about it when their coach told them. And it's the same day when his family flew abroad. "Hi," I said. "Kumusta na?" Nagpunas ito ng pawis. "Ayos lang. Kayo..." I asked and smiled at him. Narinig kong nagpaalam ang mga kalaro niya kanina. Hinintay niya munang makalabas ang lahat bago bumaling sa akin. Naiwan kaming dalawa doon. "...siya?" dugtong ko. Kumunot ang noo niya. I know that he knew whom I was referring to. He put down the ball on the ground. After that, he looked at me... with sympathy. It's my turn now to creased my forehead. I don't know what was that for. "Hindi mo ba nabalitaan?" Nawala ang ngiti ko. "Ang alin?" "Two years ago, Ily..." Humigpit ang hawak ko sa aking pouch. I felt my heart raced. "He already died." From the fast beating, I felt my heart stopped. My tears fell and I can't even speak. By that three words, my heart stopped and my world too.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD