Anim na buwan na si bunso, at ipinasiya namin na gusto na naming pabinyagan si bunso. Malapit nang matapos ang dissertation ko, at ang lahat ng kinakailangan kong data para sa variety ng palay na itinanim namin sa saka ni Mang Usting sa Caranglan,
Tatlong beses na lang ako sa isang linggo nagpupunta doon. Tinutulungan ko ang kanilang Farmer’s Cooperative na magkaroon sila ng palay dryer na ang gatong ay ipa at iba pang farn wastes, tulad ng corn husks, mga tinilad na sanga, at mga carabao manures, Mahalaga ang palay dryer para maging maganda ang bigas mula sa pag-papagiling sa palay.
Laking pagkagulat ko ng datnan ko si Lissa sa Caranglan.
“Anong nangyari?“ tanong ko.
Nagkibit-balikat siya, bago sumagot.
“Hindi ako para sa kumbento,” maiksing paliwanag nya.
Nakatingin siya sa akin. Nang- aarok ang kanyang mga mata.
“May problema si ama dito sa lupa nya. Naisangla pala nya ito para sa pag-aabroad ni Ateng. Sinulatan ako ni ateng sa kumbento,” sabi nya, ng nasa palayan kami. Doon sa may punong Mangga na pahingahan namin.
Yumayakap siya, pero umiiwas ako. Ayoko ng samantalahin ang pagpapaubaya nya. Kung hinahanapan ko ang asawa ko ng katapatan, kailangan ko ring maging matapat sa kanya. Kung ano ang panukat na ipinangsusukat ko sa kanya, dapat, iyon din ang panukat na gamitin ko sa aking sarili. Nang dumating sa buhay ko ang aming bunsong lalaki, ay natapos na ang mga paghahanap ko. Mayroon na akong isang anino na kailangang bigyan ko ng liwanag na kanyang susundan. Nang yapak na kanyang tutularan.
Kailangan kong maging mabuting ehemplo sa aking mga anak, sa aking pamilya, sa aking pamayanan. Hindi ko kayang baguhin ang mundo. Pero kaya kong baguhin ang aking sarili.
“Parang hindi na ikaw ang Greg na kilalala ko bago ako pumasok sa kumbento,“ sabi nya na gustong mangilid ang luha sa mata.
“Tara na, at baka abutan pa tayo ng dilim dito,” sabi ko sa kanya.
Mas madali ang pagtanggap at paglimot kung hindi ko ipaparamdam ang gusto nyang maramdaman.
“Greg, kaya ako lumabas ng kumbento, ay para pakasalan ang Australyano na kaibigan ng asawa ni Ateng!“ pasigaw na sabi nya.
Nauna ako sa makitid na pilapil na nilalakaran namin pauwi sa bahay nila.
Saglit akong huminto para tingnan siya.
“Pakakasal ako sa kanya, para matubos namin ang lupa na ito!” sabi nya na huminto sa gitna ng pilapil.
“Pakakasal ako sa Australyanong iyon na ikaw ang nasa puso at isipan ko! Na ikaw ang hinahanap-hanap maging ng pekpek ko, alam mo ba yun?” halos pasigaw na sabi nya.
“Wala ka man lamang bang kahit katiting na pagmamahal sa akin, para pakinggan ang nadarama ko?“ Hilam na sa luha ang kanyang mga mata.
Yumuko ako at tumalikod. Lalo kong binilisan ang mga hakbang ko. Gusto kong makarating agad sa tinutuluyan ko. Ayokong ipagkanulo ako ng damdamin ko.
“Engineer, naku eh, tamang tama lang dating mo, para makilala mo naman ang aking panganay na anak na si Oreng,” galak na sabi ni Mang Usting.
Dala ko yung owner type na service ko. Kukunin ko na ang lahat ng gamit ko sa tinutuluyan kong bahay sa Caranglan.
“Si ama naman, Norie, hindi Oreng! “ sabi nito na iniabot sa akin ang kamay.
“Gwapo ka pala, bakit ang sabi sa akin ni Lissa ay pangit ka raw at mukha kang bakulaw?“ sabi pa nito na binalingan si Lissa na nakakandong sa isang may edad ng puti na walang paki-alam na nakadukot ang mga kamay sa boobs ni Lissa. Nakatingin naman si Lissa sa kapatid na parang nagpapasaklolo.
“Okey lang yan, ganyan lang sila, makakasanayan mo rin yan,” sabi nung Oreng kay Lissa.
“Are you leaving?“ tanong sa akin ni puti.
“Yes, I am,” sagot ko.
“I will marry my fiancee here next week, hope you can come. I will bring her to Australia afterwards,” dugtong pa nito.
Dumating ako sa amin ng madilim na. Nakasabit si baby sa dede ni Mer. Nakatulog din marahil ang aking asawa habang pinasususo si bunso.
Maingat kong hinubad ang damit ko at gusto kong maligo. Nakatapis na ako ng twalya ng dumilat ang mga mata ni Mer.
“Kanina ka pa?“ tanong ni Mer na malngat na ipinagitna sa dalawang baby pillows si bunso. Masuyo nyang hinalikan ito, bago tumayo.
“Kumain ka na ba?“ tanong nya. Umiling ako.
May nakita akong sugpo,at alimango saka susong pilipit sa daan, bumili ako, inaayos na ni Manay Ising ang alimango at sugpo,sabi ko pasukahin muna ang susong pilipit,” Sabi ko kay Mer at tumuloy na ako sa aming banyo sa loob ng kwarto.
“Sige, bukas ka na magsipsip ng paborito mong susong pilipit. Ang s**o ko muna mamaya ang sipsipin mo,” sabi ni Mer matapos sumunod sa akin sa banyo, at panoorin ang paliligo ko.
Isinara nya ang pinto ng banyo matapos pumasok sa loob.
“Baka magising si bunso,” sabi ko sa kanya.
Parang hindi narinig ni Mer ang sinabi ko. Hawak na ni Mer ang katigasan ni manoy ng umingit si bunso. Hinalikan ako ni Mer sa labi at nagmamadaling tumayo para lumabas ng banyo.
“Mamaya, pagkakain natin ng hapunan,” sabi nyang pagigil na pinisil ang ulo ni manoy.
Nasa gitna ako ng bukid. Photo ops kami ng mga kasapi ng Farmer’s Cooperative. Tapos na ang dissertation ko. Pa- despideda sa akin ng mga magsasaka dito sa Caranglan.
Naka-mata lang si Mang Usting sa akin, habang kinukunan kami ng retrato ng isinama kong photograper.
“Engineer, maraming salamat, di ka man lang naka-dalo sa kasal ni Lissa,” sabi nito.
Inakbayan ko siya, parang pag-akbay ko noon sa aking namayapa ng ama.
“Nataon po kasi na may mahalagang meeting kami ng araw na yun,” alibi ko sa matanda.
“Medyo, malulungkot ako, pag wala ka na dito sa Caranglan, parang anak na kita, lalo pa at nasa Australya na ang dalawa kong anak,” matapat na sabi pa ng matanda.
“Pag nagawi ako sa Nueva Ecija, lagi ko kayong dadalawin dito sa Caranglan,” pangako ko naman sa kanya.
Narinig ko ang tunog ng eroplano mula sa itaas. Natanaw ko ang isang pampasaherong eroplano na namamaybay sa mga ulap at nag-iiwan ng maputing usok sa kalangitan.
Sumagi sa isipan ko si Lissa. Ibinaba ko ang tingin ko sa bukid. Nagapas na ang mga gintong butil ng palay. Pag nabasa ang bukid, magsisimula na namang maglinang ang magsasaka. Muling mananariwa ang bukid. At nakahanda na naman itong tumanggap ng panibagong punla.
Ang bukid ni Lissa ay may magpapala na at mag-aararo na talagang para sa kanya. Sana, matagpuan nya ang pag-ibig na hindi ko nasabi at naipadama sa kanya. Ito yung pumasok sa isip ko na panalangin para sa kanya.
Sa mga oras na ito, wala akong maihahandog sa kanya kundi ang piping dalangin na sana ay wag siyang magtanim ng mga hinanakit sa mundo. Sana ay wag akong maging bahagi ng mga hinanakit nya.
MAY KASUNOD…
BUKID AY BASA
c.2023 Teddyray 321 All Rights Reserved