SA KABUUKIRAN

1834 Words
Nagulat pa ako ng tumingkayad si Lissa, hinawakan ako sa batok at ginawaran ako ng halik sa labi. Mapusok ang halik na iyon. Nagbabaga ang labi nya. Dama ko ang kinikimkim na pagnanasang nais nyang maipadama sa akin. At may pinupukaw iyon sa mismong sentro ng p*********i ko. “Nalunok ko ang laway mo, kaya may bahagi na ng pagka henyo mo sa katawan ko, tiyak papasa na ako,” sabi nyang nakatawa. “Puro ka kalokohan,” sabi ko, at tinampal ko ng palad ko ang malapad na noo nya. “Ang wag mong kakalimutan ay ang itinuro ko sa’yong teknik, yung ‘alin dito ang tama, eto o eto, ito’,“ sabi kong nakatawa. Nag flying kiss pa ito sa akin bago tuluyang nawala sa paningin ko. Tulad ng usapan namin ni Merhama, umuuwi ako sa Bulacan tuwing weekend. Saturdays at Sundays ay nasa bahay ako. Nang semestral break ay humiling si Merhama na sa Caranglan silang mag-ina mag stay sa duration ng semestral break. Gusto daw nya maranasan ang buhay sa bukid. Kaya, sakay ang mga gamit namin, dinala ko ang owner type jeep namin at isinama ko ang aking mag- ina sa Caranglan. Gulat na gulat si Lissa ng makita ang mag-ina ko. “Naku Ma’am, ang ganda ganda mo pala, para kang si Bea Alonzo,” sabi ni Lissa, na napapalatak pa. “Kaya naman pala itong si Sir Greg eh, laging nagmamadaling umuwi sa inyo tuwing weekend,” nagtaka ako at nilagyan nya ng ‘sir’ ang unahan ng pangalan ko. “Wag naman Ma’am at Sir, masyado namang pormal yun. Ate na lang at Kuya,“ sabi ni Mer kay Lissa. Kaya habang naroroon si Mer ay kuya ang tawag sa akin ni Lissa. “Ang ganda pala dito Greg,” sabi ni Mer ng isama ko silang mag-ina sa bukid. Naka denims si Mer at naka t-shirt na puti. Lalong lumutang ang kaputian ng asawa ko. Nang akmang hahakbang kami sa isang bahagj ng pilapil na sadyang nilagyan ng awang para makapasok ang tubig, ay kinarga ko si Mer patawid sa pilapil. Nakabuntot naman sa likuran namin ang anak naming si Jenny na hawak ang sinelas na goma sa magkabilang kamay, ay lumusong sa putik para makatawid sa kabila ng pilapil. “Ay si Mommy ang laki na, nagpa karga pa kay Daddy,” kantyaw ng aming pitong taong gulang na anak sa kanyang ina. Tumawa lang si Mer at sa may lilim na ng punong mangga ko siya ibinaba. Iyon ang pinaka pahingahan namin sa bahaging iyon ng bukid nina Lissa. “Tita, ano pong ginagawa mo?“ narinig kong tanong ni Jenny na lumusong sa putikan na nililimas ni Lissa. “Nanghuhuli ako ng hIto at bulig, ulam natin mamaya,” narinig namin ni Mer na sabi naman ni Lissa. Nakatawa si Mer na pinapanood si Jenny na tumulong kay Lissa mangapkap ng mga hito at dalag sa nilimas nya na bahaging iyon ng bukid. “Jenny wag kang humawak sa hito may pantusok yan,” babala ni Mer sa anak. Natutuwa akong pagmasdan ang anak namin na laki sa syudad, pero heto at tila niyayakap ang maputik na bukid na daigdig ko. Nang matapos sila manghuli doon ay lumipat naman sila sa ibang pilapil at nanguha naman sila ng kuhol. Nang dumating si Mang Usting ay may dala- dala itong mga gulay at bigas para isaing. At nagtulong- tulong na kami para ihanda ang isang masarap na tanghalian sa gitna ng bukid. Natutuwa akong pagmasdan na ang magandang may bahay ko ay puro uling ang kamay, at maging ang magandang mukha. Masayang pinagmamasdan ko ang aking pinakamamahal na propesora ay pawis na pawis sa kaiihip sa kalang kahoy ang panggatong. At natutuwa din akong pagmasdan ang aming si Jenny na may natuyong putik sa kanyang magandang mukha na pinilas sa kanyang ina, at maging sa kanyang buhok. Nakakatuwang pagmasdan ang mag-ina kong nasanay sa maalwang pamumuhay sa lungsod, ay makaranas kung paano ang pamumuhay sa isang kapaligirang wala ang mga convenience na hatid ng makabagong mga teknolohiya na nagpapagaan sa ating pamumuhay, ngunit, nagpapalimot naman sa ating kamalayan sa pag apprecite natin sa ating kalikasan. “O, kumain na tayo,” sabi ni Mer, habang pinipigaan ng kalamansi ang bagoong na isda na sawsawan ng inihaw na hito at bulig. Naka hain din ang ginataang kuhol, bulanglang na sitaw, at inihaw na talong. At naroon din ang mabangong bagong saing na bigas na milagrosa, at yung mapulang bigas na tinatawag nilang kabudit. Ang kabudit ay isang uri ng palay na itinatanim sa lugar na tuyo at walang patubig. Tinatawag din itong upland rice. “O, gagamit tayo ng ating likas na kutsara ha?“ sabi ko kay Jenny at ini- abot ko kay Mer ang isang Caltex ng malinis na tubig para maghugas sila ng kamay, mag kakamay kami sa pagsasalu-salo namin sa payak ngunit masaganang pananghalian sa ilalim ng lilim ng punong mangga. “Saan ka kumuha ng gata, para dito sa ginataang kuhol?“ tanong ko kay Lissa. “Kasama pa yan sa package na ipinadala ni Ateng mula Australia. Powder yan, kinanaw ko lang sa mainit na tubig bago namin ipinanggata ni Ate dito sa kuhol,” sabi ni Lissa. Natatawa akong pinagmamasdan si Mer na sumisipsip ng kuhol na ginagaya naman ni Jenny. “Mahusay ka na palang sumipsip ng kuhol Mommy,” tudyo ko kay Mer. “Ikaw dyan ang napaka sarap sumipsip ng kuhol,“ ganti naman nito na tinitigan ako ng maharot. Napuna kong parang itinago ni Lissa ang kiming ngiti, habang sinisipsip din ang isang piraso ng kuhol. “Daddy gusto ko pa ng inihaw na hito,” hiling ni Jenny. Kinuha ko ang isang hito na naka- tusok pa sa stick na kawayan at inilagay ko sa tabi ng umuusok na kanin sa kanyang harapan. Naglatag lang kami ng dalawang malapad na dahon ng saging, at matapos linisin ay doon inihain nina Mer at Lissa ang mga niluto nila. Matataba ang mga bulig at hito na nakapkap ni Lissa at Jenny. Nagmamantika ang mga hito, nang maihaw ang mga ito. “Grabe ang busog ko, Greg,” sabi ni Mer matapos ang aming pananghalian. “Mas masarap pa sa mga putahe na kinain natin sa mga restaurant sa atin, madadagdagan ang timbang ko dito,” sabi pa nya ng naimis na namin ang aming pinagkainan. “Nasaan pala ang anak mo?“ tanong ni Mer. “Nakita kong kasama ni Lissa sa may gubat, o ayun na yung dalawa,” sabi ko ng makita si Jenny na kabuntot sa likuran si Lissa. “Naghanap ng palikuran,“ nakatawang sabi ni Lissa. Nakatawa naman si Jenny na hinihimas pa ang tiyan. “Naghugas ka ba?” tanong naman ng ina. “May maliit na batis doon, naghugas ako,” sabi naman ni Jenny. “Tara, manguha tayo ng hinog na bayabas at atis,” yaya ni Lissa kay Jenny. Tumingin muna ito sa ina, at ng makitang nakangiti si Mer ay masaya itong tumalikod at humabol kay Lissa. Si Mang Usting naman ay nakita kong puma kabilang bukid na at marahil ay doon magpapahinga para palipasin ang katanghaliang araw na nakasilip sa walang ulap na kalangitan. Inilabas ko ang dala kong duyan at itinali sa magkabilang sanga ng punong mangga. Nang matantya kong kakayanin ng duyan ang bigat naming mag asawa, masuyo kong inakay papunta sa duyan si Mer. “Parang, ngayon ko lang na realize na marami akong di pa alam sayo, Greg,” sabi sa akin ni Mer. Tatlong taon ang pagitan ng edad naming mag-asawa. Naka-higa na ako sa duyan, at nakakandong siya sa akin at nakatukod ang isang paa sa damuhan sa paanan ng duyan. Itinutulak nya ang kanyang paa para banayad na umugoy ang duyan. “Bakit mo naman nasabi yan?“ tanong ko sa kanya habang masuyo kong sinusuklay-suklay ang kanyang mahabang buhok ng mga daliri ng aking kaliwang kamay. “Kasi, ang kilala ko lang na Greg, ay ang mapagmahal na asawa ko, na laging wala sa bahay, at kung nasa bahay naman ay abala sa kanyang pagsusulat. Ang akala ko ay isang tipikal na inhenyero ka lang. Hindi ko alam na may iba ka pang mundo, na parang mas masarap kesa sa mundo na nakagisnan ko at ng anak mo,” sabi nya na umangat at inalatag na rin ang buong katawan sa loob ng duyan na nakayakap sa tagiliran ko. “Mahilig ako sa bukid, sa pagtatanim, sa paglilinang at pag-aaarato ng bukid, kaya ito ang engineering na pinili ko,” Sabi ko na hinalik-halikan ang kanyang mabangong buhok. “Akala ko ang bukid ko lang ang kaya mong araruhin,” maharot na sabi sa akin ni Mer. Nagpalinga-linga ako at hinanap ng mga mata ko ang tatlo, at ng matiyak ko na dalawa lang kami ng mga sandaling iyon sa dakong iyon ng bukid, ay kinapa ko ang harapan ng pantalon ng aking asawa. Bumaling naman ito sa akin at hinalikan ako. “Igagawa kita mamayang gabi ng junior mo,” malambing na bulong ni Mer, na nagpakislot sa alaga ko na nasa ilalim ng pantalon ko. Naudlot lang ang aming paglalambingang mag asawa, ng makita namin ns papalapit sa aming kinarotoonan si Jenny na nakatawa at habak-habak sa laylayan ng damit ang mga hinog na bayabas. “Mommy o, ang dami-daming guavas doon, ang sarap mamitas. Marami din kaming nakuhang atis,“ masayang kwento ni Jenny sa kanyang ina. “Baka puro mantsa na yang damit at shorts mo?” sabi naman ni Mer habang pinagmamasgdan namin ang dalawa na inilapag sa dulang na kawayan na kinainan namin kanina, ang mga prutas na napitas nila. Binigyan kami ni Lissa ng tig isang atis. Matamis at malalaki ang mga atis. “May hinog na rin ang wonder papaya na tanim ni Ama, mag-uwi tayo mamaya kuya Greg, para maka tikim si Ate,“ sabi pa ni Lissa. Kinagabihan ng araw na iyon, kanin na lang ang sinaing namin. Marami pa ng tira na inihaw na bulig at hito sa pananghalian namin sa bukid. Naghati si Lissa at si Mer sa mga natirang ulam. Nagdagdag lang si Mer ng piniritong talong. Masarap kasi itong isawsaw sa bagoong na nilagyan ng siling labuyo at pinatakan ng kalamansi. “Ang talong mo naman ang lalantakan ko mamaya,” bulong sa akin ng maganda kong propesora, ng lapitan ko siya habang nagpiprito ng talong sa gas stove na gamit ay gasul. “ At sisipsipin ko naman ang kuhol mo,” Sabi ko naman. Palihim na pinisil nya ang nakabukol ng alaga ko sa ibabaw ng aking pantalon. Niyakap ko siya at ikiniskis ko ang nakabukol ko sa loob ng aking pantalon sa kanyang puwet at kinapa ko ang kanyang harapan. Naghihintay sa amin ang gabi at ang kama, para pagsaluhan ang isa pang masarap na ritwal ng aming pagmamahalan. Na lingid sa amin ay may dalawang mata na nag aabang at sabik na sisilipan kami sa aming pagniniig. SUBAYBAYAN…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD