LUMIPAS ang mga araw at nagpatuloy ang dalawa sa daily routine nila. Naging abala si Matteo sa kumpanya nito at may mga investor silang parating mula sa Russia. Kaya naman pinaghandaan nila ang pagsalubong sa mga ito. Gabi-gabi naman itong tumatawag kay Gabby para kulitin ang dalaga at maglambing dito. Kung hindi lang siya tambak sa trabaho, pupuntahan niya ang dalaga. “Tay, Nay, okay lang po bang tumanggap ako ng manliligaw? May makulit kasi akong manliligaw dito. Mabait naman po. Pero– mayaman po kasi sila. Natatakot po ako na baka. . . na baka mahusgaan ulit ako ng mga tao. Ang totoo niya'n, nakilala ko po ang mommy at dalawang kapatid niya at ramdam kong ang babait po nila. Komportable po ako na kasama sila at magaan ang loob ko sa kanila.” Pagkukwento ni Gabby sa pamilya nito habang

