TUMULOY ang mga ito sa VIP room dahil ayaw ni Justin na pinagtitinginan ng mga lalake doon ang nobya nito. Sumama na rin sina Gabby maging ang mga kaibigan ni Matteo na nasa counter. Bigla tuloy silang nagkaroon ng mga kapareha at syempre–hindi na binitawan ni Matteo si Gabby at kita nitong tamado na ang dalaga. Idagdag pang halatang kursunada din ito ng mga kaibigan niya. Kaya naman binakuran na niya si Gabby at baka maagaw pa ito sa kanya. It's been four months since the first time they've encounter. Dahil hindi na nahanap ni Matteo si Gabby sa hospital nang araw na makabunggo niya ito sa hallway, ipinahanap niya ito sa kanyang tauhan. Inalam nila sa hospital ang pagkakakilanlan nito. Mabilis lang naman nitong nalaman ang information sa dalaga dahil sa pera nito. Nalaman niyang isang

