MAGKATULONG ang dalawa na tinapos ang paglalaba. Napabilis naman ang paglalaba at sampay ni Gabby at katulong niya si Matteo. Matapos nilang magsampay, nagsimula na din silang maglinis ng apartment. Mula sa kusina, sala at silid. Nangingiti naman si Matteo na hindi na nagsusungit si Gabby sa kanya. Mukhang nakakasanayan na nito ang pangungulit at panglalandi niya dito. “Mat, pakitaas naman ang sofa oh? Para ma-vacuum ko ang ilalim,” pakisuyo ni Gabby dito. Si Gabby kasi ang nagva-vacuum habang si Matteo naman ang nagpupunas sa mga gamit at bintana. “Sure, baby ko.” Sagot nito na binitawan na muna ang ginagawa at lumapit kay Gabby. Walang kahirap-hirap na itinaas niya ang kabilang gilid ng sofa para maiangat iyon at malayang nalinisan ng dalaga ang ilalim no'n. Napangiti naman si Ga

