PINANDILATAN ng mga mata ni Gabby si Matteo kasi pinauwi na muna niya ang mag-asawang caretaker na kasama nila sa rest house! Pangiti-ngiti naman ito na napapakindat lang kay Gabby at tuluyang nagpaalam na ang mag-asawa. Gusto kasing solohin ni Matteo ang lugar kasama si Gabby. Hindi niya kasi ito malalandi kapag kasama nila sa bahay ang mag-asawa. Malapit lang naman ang bahay ng mga ito kaya magalang nagpaalam ang mag-asawa sa binata, para makapag-solo sila ng kasintahan nito. Iyon kasi ang sinabi ni Matteo sa kanila. Na kasintahan niya ang dalaga–kahit hindi pa naman talaga. Sinalubong ito ni Gabby na kinurot sa tagilirang napaiktad at bungisngis. “Nakakainis ka! Bakit mo pinauwi sila nanay?” pagalit ni Gabby na nanggigigil kinukurot itong tatawa-tawa lang. “Baby, paano kita masoso

