Chapter 44

1126 Words

Thalia’s Point of view Isang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD