“Oh my ghod! Tama ba ang narinig ko Iha? Buntis ka?” Natitilihang tanong ni Matilda ang biyenan ng aking kapatid na si Ashley. Bakas ang matinding kasiyahan sa mukha nito na tila ba ito na ang pinakamagandang balita na narinig niya sa buong buhay n’ya. “T-Tama po kayo ng narinig, three weeks na po akong buntis.” Nahihiyang sagot ni ate Ashley. Masaya ako para sa kanya ngunit matinding kalungkutan ang nararamdaman ng puso ko dahil tuluyan na akong hindi kinakausap ng aking kapatid. Hindi ko alam kung paano siyang susuyuin dahil sa tuwing sinusubukan ko na lumapit sa kanya ay kaagad itong lumalayo sa akin kaya hanggang tingin na lang ako sa kanya. Naglakas loob akong lapitan si ate Ashley ngunit ng nasa tapat na ako nito ay bigla siyang nagpaalam sa ina ni Marco kaya naiwan na lang kaming

