“Thalia, may bisita ka.” Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sinabi ng aming Mayordoma. Nagtataka ako kung sino ang bisita na sinasabi nito gayong wala naman akong ibang maisip na pwedeng dumalaw sa akin dito. Wala ngayon ang aking asawa dahil may dinaluhan ito na isang mahalagang meeting. Pagdating ko sa bungad ng hagdan ay sumalubong sa akin ang malungkot na mukha ng aking kapatid na si Ashley. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang panay ang pisil ng kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay nito kaya hindi maikakaila ang pagiging balisâ ng aking kapatid. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay may pagmamadali itong tumayo bago ngumiti sa akin. Matinding kasiyahan ang naramdaman ko dahil hindi ko inaasahan na dadalawin ako nito sa mismong tahanan namin. “Ate Ashley!” Masaya

