DO NOT READ YET. WILL BE UPDATED IN AUGUST. Levi’s POV Tinignan ko ang paligid para siguraduhing walang ibang nakarinig sa sinabi nung babae at mukhang wala naman at sigurado akong mahimbing na natutulog ‘yung lalaki sa gilid. “Anong pinagsasabi mo?” kunyaring hindi ko alam pero sa paraan ng pagngiti niya, alam kong hindi ko siya mapapaniwala. “Huwag ka nang mahiya at tsaka oo, hindi mo nga ako maloloko if that’s what you’re thinking,” sabay wink niya ng makahulugan. “Binabasa mo ang isipan ko?” “Hindi ah pero nababasa ko ang mukha mo. I’m Evanora by the way, Eva for short. Ikaw, anong pangalan mo?” “Levi. Ano ka ba at paano mo nalaman?” nakipag-shake hands pa ako sa kanya habang tinatanong ito. Excited siyang tumalon bigla at inilapit ang mukha niya sa akin bago pumunta sa likura

