9 years later…
Rayver’s POV
Kasalukuyan akong nakasandal sa aking swivel chair para makapagpahinga ng kaonti dahil sumasakit na ang ulo ko sa trabaho. Narinig kong bumukas ang pintuan kaya inakala kong si Trixie lang ito, ang aking personal na secretary.
“Ilagay mo lang ang mga dokumento diyan sa mesa Trix,” pagsasalita ko habang hinilot-hilot ang magkabilang gilid ng noo.
The next thing I felt was something or rather someone heavy on my lap kaya napadilat ako. There I saw Vichelle smiling playfully sitting sideways as she took away my hands and slowly massaged my forehead with her own fingers.
“Let me do it for you although I have a better idea to relieve your stress, Francis.”
Siya lang ang tumatawag sakin sa pangalawang pangalan para daw maiba. Vichelle Elysiano is the rival of my wife in terms of business kaya ko siya nakilala at maya-maya ay nagpahayag rin siyang gusto niya ako at alam niya ang pinagagawa ko sa likod ng aking asawa at willing siya maging isa sa mga playtime ko.
Who am I to decline such offer? Ika nga nila, ang palay na ang lumalapit sa manok upang matuka kaya ba’t ko pa tatanggihan?
It’s not that my wife, Ema Mirafuente, isn’t attractive at all. In fact, gusto ko siya pero dahil arranged marriage lang naman talaga ang mayroon kami in the first place, hindi ko pa rin ramdam ang pagiging obligado na ilaan ang full time commitment ko sa kanya. Isa pa, hindi niya malalaman ang pagiging gago ko dahil masyado siyang naïve at bulag sa akin.
“I think I’d prefer the latter, sweetheart,” I smiled in return while encircling my arms around her small waist.
She giggled in delight and leaned in closer so I mirrored her actions until our lips touched. Isa si Vichelle sa mga nagtagal kong flings mainly because she’s as aggressive as I am and no strings attached. Just pure s*x from time to time.
Pinaloob ko na ang isa kong kamay sa suot na damit ni Vichelle nang may narinig akong pagbagsak ng kung ano kaya napatigil kami at tumingin ako sa kung sinumang istorbo sa may pintuan.
Shit. It’s my wife.
“Overtime pala ah. Get off my husband you w***e!”
Wala pa akong nasabi at nakalapit na ito sa amin na puno ng galit sa mga mata tsaka hinila ang buhok ni Vichelle dahilan para mapaalis ito sa kandungan ko.
“Ema! It’s not what you think!” sigaw ko dahil hindi ko pa rin halos maprosesong nahuli na niya ang kagaguhan kong ito pero parang wala siyang narinig sakin at nakatuon lang ang atensyon sa pakikipagsabunutan kay Vichelle.
Fuck. Paano na ako pagkatapos nito?
“Pati ba naman asawa ko aagawin mo, Vichelle! Ang kapal ng mukha mo!” Ema shouted once again and continued pulling her hair.
Parang naestatwa na ata ako sa kinatatayuan dahil bukod sa bistado na ako sa asawa, hindi rin ako halos makapaniwala na ang sobrang bait at composed na si Ema ay nagawang makikipag-away dahil sakin.
“He doesn’t love you, Ema! Mas masarap pa ako sa kama at pinakasalan ka lang niya dahil sa yaman mo!” Vichelle shouted back at hinila rin pabalik ang buhok ni Ema kaya parang doon lang ako tuluyang bumalik sa ulirat at hihilahin na sana si Vichelle palayo sa asawa ko ngunit mabilis nitong naitulak nang malakas si Ema kaya bumagsak siya sa sahig.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko pagkakita ng dugo sa gitna ng hita ni Ema.
““No… no. Anong ginawa mo… hindi pwede…”
Trixie came to her side and stared in horror. Napasapul ako sa noo ko nang mapagtanto ang sitwasyon.
“s**t! Anong ginawa mo, Vichelle?!” natatarantang sigaw ko bago binuhat ang umiiyak kong asawa at pinahanda ang sasakyan ko sa isa sa mga tauhan para mabilis na madala si Ema sa hospital. Sumakay kasama namin si Trixie at ang isa pang empleyado kong babae habang nagmamaneho ako ng mabilis papuntang hospital dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa aking mag-ina.
She was rushed to the emergency room and I waited impatiently without sitting down. Maya-maya ay hinanap ng doktor ang guardian ng pasyente kaya nagpakilala akong asawa.
Pinapasok niya ako sa silid kung saan nakasandal si Ema sa headboard ng hospital bed at lumapit ako sa kanya. May ilan pang sinabi ang doktor tungkol sa kalagayan ni Ema pero isa lang ang klarong rumehistro at bumasag sa katauhan ko.
“I’m sorry, Mr. and Mrs. Salvador. Hindi nakakapit si baby.”
The cries of my wife filled the room kaya niyakap ko siya ng mahigpit hangga’t tuluyan na ring nagsibagsakan ang sarili kong mga luha. She sounded so helpless and broken as she murmured words of hatred towards me. Pinagsusuntok niya ako sa dibdib pero mas lalo kong hinihigpitan ang yakap sa kanya dahil ngayon lang ako nakaramdam ulit ng sobra-sobrang pagsisisi buong buhay ko.
“I’m sorry. I’m sorry… hindi ko sinasadya, Ema…” I whispered over and over again at hindi ko na mabilang kung ilas beses kong sinambit ang salitang patawad pero alam kong kahit umabot pa ng milyon ang pagsambit ko nito, hindi na maibabalik ang nawala sa amin.
Rayver Salvador Jr. Iyon sana ang pangalan niya.
I killed my own son.