*** Hapon na nang nagising si Dorotea na nasa couch pa rin pero wala na siyang katabi at tanging kumot lang na nakatakip sa hubad niyang katawan. Pagkatingin niya sa wallclock, 5:15pm ang nasa orasan kaya napaupo siya ngunit doon niya naramdaman ang kaonting pagkahilo at kirot sa may sentido. Mayroon siyang hangover at nakaramdam din ng pagkatuyo sa lalamunan kaya pinilit niya talagang bumangon habang nakatapis ang kumot sa katawan papuntang kusina at sumasayad pa ito sa sahig. Sobrang wasted ng itsura niya ngayon habang sinusubukang alalahanin ang lahat ng pangyayari kanina pero malabo pa talaga ang iilang detalye. Ang tanging sigurado lang siya ay kung bakit may kaonting kirot siyang nararamdaman sa pang-ibabang bahagi na agad niyang ikinangiti ng sikreto. Kumuha na si Dorotea ng malami

