Chapter 20

2127 Words
AFTER THE REVELATION, ADELAIDE went out of the inn carrying Devian in her arms. Nakatulog ito sa mahabang pag-uusap, at halatang napagod din dahil matagal itong nasa hot spring kasama ng mga lalaki. She felt the presence of the King goes near them. At ilang segundo lamang, nasa tabi niya na ito. Wala sa kaniya ang titig nito kundi nasa batang hawak niya. May pagtatanong sa mata at tila malalim ang iniisip. She remembered that he didn't really meet Devian until this moment. Kahit sa bahay ni Claudius noon, hindi pa naghaharap ang dalawa. Maybe, that's the reason why there's indifference in the King's eyes. "He's Devian, a human. We saved him few months ago." Napunta sa mata niya ang tingin nito. "Human? Hmm.." Tumango tango ang King. Kita niya ang pagtaas ng kamay nito at paglapat sa likuran ng bata. Ilang minuto itong naroroon hanggang sa ibinaba nito ang kamay at umiling iling. "What's wrong, your Highness?" Umiling ito, "I'll tell you if it's confirmed. For now, Mikhail and I will go. Be careful." Iyon ang huli nilang usapan sa town, at kinabukasan, nagpasya na silang umuwi sa bahay ni Claudius. Pagod ang lahat nang marating ang mansion, kaniya kaniyang punta sa sariling kwarto at saka natulog. Ganoon din siya at si Devian na katabi niya lagi. This room became hers and Devians. Hindi na rin kasi sanay ang bata na malayo sa kaniya maging sa pagtulog. She has a lot of things of worry and think about but sleepiness is slowly conquering her. The whole week passed when she decided to make a decision. Nasa hapag sila nang mapagpasyahan na sabihin na sa mga ito ang nais niya. "Everyone." She started. All of the attention are now directed at her. "I think I should stop going to school. We have already achieved our goal, I am now knowledgeable about his world." Ilang araw niya itong pinag-isipan. One of the factor why it's hard to let go of that school is because of her human friend, Hera. But in the end, she decided to let go of it. Because there might be harm waiting for her. The traitors are still alive and if the news of her wake broke out, death will hunt her this time. "I agree with that, my lady. At least, by doing this, we'll prevent further harm." Pagsang-ayon ni Claudius. Sunod na tumango si Duncan, at sumunod naman ang dalawa, si Egon at Guillaume. "For now, I think Master should focus regaining her strength." Tumango siya sa sinabi ni Egon. She need to become stronger as soon as possible. Hindi niya gustong mag-alala o maging pabigat sa mga kasama niya. She wanted to protect them like before. Ngayon, nalalabas niya nga ang weapon niya, hindi naman sapat ng lakas niya para gamitin ito. She can't wield her sword as of now, she can't even call her spirit animal. Her major powers are out of her reach. "Days from now, I'll leave to regain my strength." Sambit niya bago lumingon sa kaniyang kanan kung na saan si Duncan. "Duncan, tomorrow, you should deliver my message to the King, he'll accompany me on this. I'll give you the letter later." "Yes, Master." Nilingon niya naman si Guillaume. "And Guillaume, I'll let you take care for Devian, make sure he's safe." This time, she eyed Claudius and Egon. "The both of you, keep this place safe. Roam around and keep the security tight." They wrap up the plan after what she said. Umalis na siya roon kasama si Devian, at naiwan ang mga lalaking nag-uusap usap para sa mga gagawin nila. At the balcony, she can clearly see the sky. Walang usap at kulay bughaw ang langit. Hindi gaanong mainit o malamig. "Lady 'Aide, you're leaving?" Nasa tabi niya si Devian, kapwa nakatayo rin tulad niya. Nakahawak ito sa dalawang pagitan ng railings. "Yes, Devian. So while I am away, study and be good, okay?" Sumimangot ito ngunit tumango rin at sumang-ayon sa kaniya. "Can't I come with you? Her lips lifted a bit. Umupo siya para maging kasing pantay lamang siya ng bata. She look at him directly in the eyes. "No. But I'll promise, after that, I'll never leave without you again." His eyes shined when she said that, agad itong tumango tango at masayang yumakap sa kaniya. "Then, I'll wait for you here, I will never forget your promise!" She chuckle a bit as she hug him tighter. "Be good, okay?" "Yes, Lady 'Aide, so come back quickly." "Of course." GUILLAUME is currently outside Claudius' mansion. These days, pansin niyang parami ng parami ang half bloods, at marami ring mga kasong mahirap maiugnay sa kanila. There were dead bodies found but their necks don't have any bruises. Half bloods kill to suck the life force out of a human, in the neck part, in particular. But it's really odd, something is wrong and it's bugging him. Nawala ang lahat nang iniisip niya nang may pumaradang magarang sasakyan sa harap niya. Sa presensya pa lamang, alam niyang Noble ang sakay nito. Lumabas mula roon ang lalaking kilalang kilala niya. Agad siyang napangisi nang lumapit ito sa kaniya. "Yo, Theodred babe. Took you long enough." Pinakitaan siya nito ng gitnang daliri. "I finished a lot of works in Nobilis. Now, I'm free." Ngumisi ito, "Where's Master?" Napailing siya at iginaya ito papunta sa loob. Nasa gazebo ang kaniyang Master kasama ang batang tao na si Devian. Nang maihatid niya ang kasama papunta roon ay nakitabi siya sa mga ito para asarin si Theodred Rainier. "Master!" Yumakap si Rainier sa kaniyang Master. Sayang naman, nabanggit ni Lady Adelaide na nagkita na silang dalawa. Hindi niya tuloy nakita ang pag-iyak iyak ni Theodred. Hindi niya tuloy ito maasar tungkol doon. "Master, I miss you so much, I've already finished all the work in Nobilis, I can stay with you for good." His Master's hand caress the hair of Theodred. Nainggit siya kaya kinarga niya ang batang katabi ni Lady Adelaide at nakisiksik sa dalawang magkayakap. "Master, hug me too. Huwag ka kay Theodred babe, mabaho 'yan." Babatukan sana siya ni Rainier pera agad siya nakatayo para makaiwas karga karga ang batang si Devian. "Aume, put me down, I want to sit beside Lady 'Aide." Napasimangot siya at nilapag ang bata sa upuang katabi ng kaniyang Master. Masama niyang tiningnan si Theodred na ang tagal bumitaw kay Lady Adelaide. Minsan gusto niyang manipa ng kapwa niya Four Guards, kaso mas malaki ang galit sa kaniya ng mga 'to, baka mabugbog lang siya, delikado. Gwapo kasi siya kaya napakaraming gustong manakit lalo na sa mukha niya, masyado niyang nasasapawan maging ang mga kasamang Noble. Baka pati ang King may galit na rin sa kaniya sa sobrang gwapo niya. Joke lang syempre. Bigla siyang nangilabot maisip pa lang ang malamig na tingin ng King. Sige na, tatanggapin niya na lang na mas lamang ng ilang paligo ang hari ng mga Nobles sa kaniya. "The f**k. Why is he smirking like that? Baliw ata 'to." Sambit nang kakarating lamang na si Egon nang masilayan siya. "Hi, Egon babe, huwag ka nang magselos sa guwapo kong mukha, huwag kang mag-alala, minsan magmamask ako para hindi kita masapawan." Akmang susugurin na siya nito ngunit biglang tumayo si Theodred at si Lady Adelaide. "You two never really changed, especially this one, still abnormal." Tukoy nito sa kaniya dahil tinuro siya ni Theodred. Sinamaan niya ito ng tingin, simangot na simangot siya dahil sinabihan siyang abnormal. Sa guwapo niyang 'to? Imposible. Masyado talagang inggit ang mga ito sa kaniya. "Tang— tanging ina ka, Theodred babe, with feelings." Hindi niya matuloy tuloy ang mura dahil nasa tabi lamang ng kaniyang Master si Devian na nakikinig lamang sa usapan ng matatanda. "Master, Claudius and Duncan said the movie room is ready. And by the way, welcome back, Rainier!" "It's been years, George." Nagngisihan ang dalawa sa isa't isa. Habang siya ay nasa isang bagay ang isipan. Movie room. Popcorn... Oh... OH! Hindi na siya naghintay pa sa iba at ginamit ang bilis niya para mauna sa movie room. He need to make sure there's a large amount of popcorn for him! Napag-usapan nga pa lang mag-bonding sila bago umalis ang kaniyang Master. Ilang buwan ang aabutin no'n kaya susulitin nila ang natitirang mga araw. Masaya siyang umupo pagkapasok sa loob ng movie room. Nakuha niya na kasi ang dami ng popcorn na gusto niya. "Bloody hell, Guillaume, are you glutton or something?" Claudius exclaimed. Inosente niyang tiningnan si Claudius at ang katabi nitong si Duncan. "What?" "That bucket of popcorn is for two person already, and you have three?" Inosente pa rin niyang tiningnan ang dalawa. Mahigpit ang yakap niya sa tatlong bucket ng popcorn, baka kunin ng kj na si Claudius. Buti pa si Duncan baby walang pakialaman lagi. Tinitigan niya ang tatlong bucket ng popcorn na yakap yakap niya. Natawa siya sa isip niya, lumalabas din ang ngisi sa labi niya, success! Syempre, dahil siya ang pinakagwapo, siya rin dapat ng may pinakamaraming popcorn. Ito ang logic ng isang Guillaume Alexander. May connect 'yon, pero hindi niya sasabihin. "Let him be. You'll just stress yourself if you continue talking to that airhead." Nawala sa pagkain ang tingin niya nang magsalita si Duncan baby. Sinimangutan niya ito dahil tinawag siyang airhead. Sa talino niyang 'to?! Nang makarating na ang lahat sa movie room. Nagplay na ang movie sa malaking screen sa harap nila. Humans are indeed talented. Just like this famous action movie, it's amazingly done. Kaso nga lang, movie ito tungkol sa isang Noble na naging hero ng buong mundo, kinalaban niya ang mga half bloods at niligtas ang mga tao. May kalaban siyang sobrang lakas, tapos hirap na hirap siyang talunin 'yon, pero nang malapit na talagang matalo 'yung bida, naalala niya ang mga pinagdaanan niya sa buhay, nagflashback lahat sa kaniya, nagkaroon siya ng lakas from that, at natalo niya sa wakas ang antagonist ng kwento. The f**k. Ang tawag dapat sa power niya, the power of flashbacks. Ganda sana ng production, kaso sablay ang kwento. Sa totoong buhay, kung mas malakas sa'yo ang kaharap mo, patay agad. Like them, if they go against the King of Nobles, there's no other ending than death. O kung bumalik ang lakas ng kaniyang Master, siguradong patay agad ang magtangkang kumalaban dito. Naalala niya tuloy noon. He's young and he was lost in the forest near Victoria's Town. Doon sila unang nagkita ni Lady Adelaide. He felt threatened because he didn't feel anything from her a cold and eerie atmosphere. Kaya sinubukan niyang kalabanin ito, pero ilang galaw lamang ng kaniyang Master noon, halos mapaiyak na siya sa sakit ng katawan at sa pagkatao ng ganoon lamang. Ang yabang yabang niya sa Clan ng mga Alexander, pero natalo lamang siya ng ganoon ng kaniyang Master! Hanggang ngayon kinikilabutan siya lakas nito. "f**k!" Napamura siya dahil halos maalog ang utak niya sa loob ng ulo dahil sa pagbatok ni Egon. "Tapos na 'yung first movie, tulala ka pa rin! Give me that popcorn, you didn't even finish one bucket! Takaw tingin ang gago." "Pabatok muna." Sambit niya kasabay ng pagngisi. Syempre dapat may ganti. Ang sakit ng hampas nito sa ulo niya 'no! "Ayaw ko. Give me that!" "Ayaw ko rin." Nilabas niya ang dila niya para lalo itong maasar. Nasa likod niya kasi si Egon, kaya tinalikuran niya na ito matapos mang-asar. "Ang sarap talagang ibabad sa kumukulong tubig ni Alexander, t*ngina." Tawang tawa siyang nilingon muli si Egon na katabi ang walang ekspresyon si Duncan. "The water will surely evaporate because of my hotness." He sexily smile at him that made Egon grimaced. Maging ang katabi nitong si Duncan na nakakita ay kumunot ang noo. Well, mag-eevaporate naman talaga ang tubig dahil sa hotness niya, literally speaking. Sa klase ng kapangyarihang mayroon siya, he can control the heat around him. He can make it higher and higher in temperature. "Don't show your face to me, Alexander." Singit ni Duncan sa asaran nilang dalawa ni Egon. "Bakit Duncan baby, naiinggit ka sa kaguwapuhan ko?" Masama siyang tiningnan nito, maging si Egon ay napasimangot ng todo. "Mamaya, patayin natin 'yan habang tulog." Bulong ni Egon kay Duncan na rinig na rinig niya naman. Tingnan mo 'tong mga 'to, medyo bobo, alam nilang malakas pandinig ng mga Nobles tapos magpaplano ng murder malapit sa kaniya. Tanga talaga. Siya lang ang matino sa mansiong ito kasama ang kaniyang Master. Wala nang pag-asa ang ibang kasama nila dahil mga naalog na ang utak. Minsan bababaan niya na lang ang lebel ng talino niya sa kaya ng mga itong abutin. Napangisi tuloy siya at bahagyang natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD