Chapter 10: Ang Hatol

359 Words
Dumating ang liham na hindi galing kay Rosa. Galing ito sa korte, may tatak ng gobyerno. Nanginginig na binuksan ito ni Gil sa loob ng selda. Habang binabasa niya, dahan-dahang nawala ang kulay sa kanyang mukha. Ang kaso niya ay muling binuksan dahil sa bagong ebidensya. Isang CCTV footage na malabo ang nakita na hindi pala siya ang nasa tindahan nung gabing iyon. Pero sa halip na palayain agad, sinabi ng korte na kailangan pa ng isa pang hearing sa loob ng anim na buwan, at pansamantalang ililipat siya sa mas malayong kulungan sa Leyte para sa seguridad. Leyte. Mas malayo sa Siquijor at Cebu. Mas mahal ang pamasahe, mas mahirap ang sulat, at wala nang tawag. Agad siyang sumulat kay Rosa. "Mahal kong Rosa, May balita ako. Maganda at masama. Maganda dahil baka makalaya ako, may bagong ebidensya na hindi ako ang gumawa. Masama dahil ililipat ako sa Leyte next week, at anim na buwan pa bago ang final hearing. Sa Leyte, bawal muna ang sulat at tawag ng isang buwan habang inaayos ang record ko. Matatakot ka ba? Iiwan mo ba ako? Maiintindihan kita kung oo. Ang layo na ng Leyte. At anim na buwan ay matagal. Pero Rosa, kung kaya mong maghintay ng anim na buwan, pangako paglabas ko, diretso ako sa Siquijor. Hindi na ako dadaan pa kung saan saan. Mahal kita, at ikaw lang ang lakas ko ngayon. Gil" Nang mabasa ni Rosa ang liham, hindi siya natakot. Bagkus, mas lalo siyang naging determinado. Sumagot siya: "Gil, anim na buwan lang yan. Hinintay nga kitang makalaya sa puso ko, anim na buwan pa kaya? Mag-iingat ka sa Leyte. Magsusulat ako araw-araw kahit hindi mo pa mabasa agad. At bibilangin ko ang bawat araw hanggang sa hearing mo. Lalaya ka, Gil. Naniniwala ako. Nagmamahal, Rosa" At sa huling araw ni Gil sa Cebu City Jail, bago siya isinakay sa van papuntang Leyte, tinitigan niya ang dagat patungong Siquijor at bumulong, "Anim na buwan na lang, Rosa. Anim na buwan na lang." Ang anim na buwang iyon ang pinakamahabang anim na buwan sa buhay nilang dalawa. Walang tawag, halos walang sulat. Puro dasal at pangarap lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD